Aries (Mar 21 – Apr 19)
Magiging productive ka naman sa iyong mga gawain, pero ingatan mo lang ang iyong kalusugan dahil baka ka magkasakit ngayong araw.
Love:
Couples: Kung may susubukang gawin ang iyong partner, suportahan mo siya at huwag mo siyang tawanan kapag nagkamali siya.
Money/Career:
Maaaring maging busy ka ngayong araw, pero okay lang naman ito para sa iyo dahil diyan ka masaya.
Lucky color: Cream
Lucky number: 14
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag ka muna magpayo sa ibang tao ngayong araw dahil may malaking chance na hindi rin naman nila ito susundin.
Love:
Singles and Couples: Mukhang gipit kayo sa pera sa ngayon, pero kapit lang at magiging stable din ang financial status ninyo.
Money/Career:
Iwasan mo muna magpastress sa iyong trabaho ngayong araw. Maaaring masira lang ang mood mo kung magpapaapekto ka rito.
Lucky color: Grey
Lucky number: 22
Gemini (May 21 – Jun 20)
Lumabas ka muna kasama ng iyong mga kaibigan ngayong araw para naman mawala muna sa isip mo ang iyong mga problema.
Love:
Couples: Mukhang panahon na para magdesisyon ka para sa future ng inyong relasyon. Kung may mga bagay ka na dapat asikasuhin, gawin mo na ito.
Money/Career:
Kung may balak kang bilhin ngayong araw, mas mabuting ipagpaliban mo muna ito at sa ibang araw mo na lang gawin.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 13
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Marami ka pang dapat asikasuhin ngayong araw kaya naman kumilos ka at baka matambakan ka ng mga gawain.
Love:
Couples: Maaaring magtampo sa iyo ang iyong partner lalo na kung puro na lang trabaho ang iyong inaasikaso.
Money/Career:
Huwag kang mag-alala. Lamang ka naman sa iyong mga kalaban kaya wala kang dahilan para mastress.
Lucky color: Brown
Lucky number: 20
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mas mabuting huwag ka na muna makialam sa problema ng ibang tao dahil may chance na mapalala mo pa ang kanilang sitwasyon.
Love:
Couples: Yayain mo ang iyong partner na mamasyal mamayang gabi. Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa kanya.
Money/Career:
Mukhang hindi titigil ang ibang tao na pabagsakin ka. Maging consistent ka lang sa iyong mga gawain at tiyak naman na mananalo ka sa kanila.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 20
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Panahon na para magdesisyon ka kung saan ka magfofocus maiigi: sa iyong career ba o sa iyong karelasyon.
Love:
Couples: Kung feeling mo ay masyado nang boring ang inyong samahan, marahil ay panahon na para gumawa ka ng hakbang.
Money/Career:
May malaking chance na magiging successful ka sa ibang company.
Lucky color: Red
Lucky number: 27
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung meron kang gustong sabihin sa isang tao, diretsyuhin mo na siya kahit na medyo awkward ito para sa iyo.
Love:
Singles: May malaking chance na mameet mo na ang taong talagang nakatadhana sa iyo. Kung hindi mo siya makalimutan, malamang siya na iyon.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa photography ang trabaho.
Lucky color: Red
Lucky number: 26
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Iwasan mo munang gumastos ngayong araw, lalo na sa mga bagay na hindi mo naman talaga kailangan. Huwag ka muna mag-shopping online.
Love:
Long-distance couples: Hindi rason ang distansya para hindi kayo maging close ng iyong partner. Tamang communication lang ang katapat niyan.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa gobyerno ang trabaho.
Lucky color: White
Lucky number: 22
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung may bagay ka na gustong matutunang tugtugin, marahil ay ito na ang tamang oras para magsimula ka.
Love:
Couples: Huwag mong pilitin ang iyong partner sa mga bagay na gusto mo, lalo na kung hindi naman siya kumportable rito.
Money/Career:
Habaan mo lang ang iyong pasensiya. Makukuha mo rin ang ninanais mo sa iyong career.
Lucky color: Brown
Lucky number: 17
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag mong kalimutang tulungan ang isang tao ngayong araw, lalo na kung lagi ka rin naman niyang tinutulungan kapag ikaw ay may kailangan.
Love:
Couples: Mukhang may bagay na susubok sa inyong relasyon, kaya naman mas mabuti kung meron kayong tiwala sa isa’t-isa.
Money/Career:
Hindi porke pakonti-konti lang ang iyong gastos ay nakakatipid ka na. Pag-isipan mo muna kung dapat mo ba talagang bilhin ang isang gamit.
Lucky color: Green
Lucky number: 29
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Hwuag mong dedmahin ang mga taong nag-aalala para sa iyo. Sila lang ang makakapitan mo sa oras ng kagipitan kaya naman maging mabait ka sa kanila.
Love:
Couples: Ayusin ninyo na agad ang inyong bago pa ito lumala at maapektuhan ang mga tao sa inyong paligid.
Money/Career:
Huwag mong kalimutang magbudget, lalo na kung hindi naman sapat ang iyong kinikita.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 6
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung meron kang mga bagay na hindi mo na masyadong ginagamit, mas mabuting ibigay mo na lang ito sa iba.
Love:
Singles: Hindi naman masama na humanap ka ng mga bagong kaibigan. Basta huwag mong kalimutan ang mga taong naging loyal sa iyo.
Money/Career:
Huwag ka na magpaligoy-ligoy pa at hindi ka rin naman magegets ng taong kakausapin mo ngayong araw.
Lucky color: Purple
Lucky number: 4