Aries (Mar 21 – Apr 19)
Humanda ka sa mga sorpresa na maaaring maganap ngayong araw. Huwag kang masyadong mag-alala dahil mukhang positive naman ang mga ito.
Love:
Couples: Darating talaga ang oras na mag-aaway kayo. Magrelax lang kayo at pag-usapan ang inyong problema bago pa ito lumala.
Money/Career:
Kung hindi sapat ang iyong kinikita, marahil ay panahon na para humanap ka ng pangalawang trabaho.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 15
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang kailangan mo na muna magpahinga kahit saglit. Kitang-kita na sa mukha ang stress, kaya naman hinay-hinay lang sa paggawa.
Love:
Singles: May malaking chance na muli mong makita ang iyong ex. At kung may feelings pa kayo para sa isa’t-isa, maaari kayong magkabalikan.
Money/Career:
Gawin mo lang ang mga bagay na kaya mong tapusin. Huwag mo masyadong lahatin.
Lucky color: Gold
Lucky number: 19
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kailangan mo ng tulong at kung marerealize mo agad ito, mas madali kang matutulungan ng ibang tao sa iyong problema.
Love:
Couples: Kakailanganin mo ang tulong ng iyong partner ngayong araw. Mamalasin ka nga lang kung masyadong busy siya.
Money/Career:
Kung hindi na sapat ang kinikita mo sa iyong trabaho, marahil ay panahon na para humanap ka ng sideline.
Lucky color: Rose
Lucky number: 7
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang may mangyayari na hindi mo inaasahan ngayong araw. Hindi naman sa hindi ito maganda, pero tiyak na mapapaisip ka dahil dito.
Love:
Couples: Subukan ninyong mag-experiment ngayong araw. Pwede kayong kumain sa isang resto na matagal ninyo na gustong puntahan.
Money/Career:
Unti-unti nang nagiging maganda ang status ng iyong career, kaya naman huwag kang titigil sa pagiging consistent mo sa trabaho.
Lucky color: Cancer
Lucky number: 11
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang maguguluhan ang isip mo ngayong araw, kaya naman hindi malayong magkamali ka sa mga gagawin mong mga desisyon.
Love:
Couples: Huwag ninyong madaliin ang isa’t-isa. Hayaan ninyo lang na dahan-dahang mag-grow ang inyong relasyon.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa business management ang trabaho.
Lucky color: Black
Lucky number: 16
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
May malaking chance na swertehin ka ngayong araw. Kaya naman huwag ka na matakot na gawin ang isang bagay na pinipilit sa iyo.
Love:
Couples: Magdesisyon ka na kung gusto mo pang makasama ang iyong partner, o tuluyan ng wakasan ang inyong pagsasama.
Money/Career:
Magagawa mong matapos ang iyong mga pending na trabaho ngayong araw, kaya naman mababawasan na ang mga nakatambak mong gawain.
Lucky color: Red
Lucky number: 15
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung mahilig kang magluto, magiging maswerte ang araw na ito para sa iyo. Maaaring magbayad na rin sa iyo ang isang tao na may utang sa iyo.
Love:
Couples: Kung may bagong bagay na sinusubukan ang iyong partner, huwag mo siyang pagtawanan lalo na kung papalpak siya kaagad dito.
Money/Career:
Kailangan mo munang pag-isipang mabuti ang iyong desisyon lalo na kung may offer sa iyo ang ibang company.
Lucky color: Pink
Lucky number: 28
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Anumang bagay ang sisimulan mo ngayong ay tiyak na magtatagumpay basta meron ka lang sapat na motivation para rito.
Love:
Singles: Mukhang may taong magpapakilala sa iyo. Kumalma ka lang at maging honest ka sa iyong sarili.
Money/Career:
Maaaring may pagbabago na dumating sa iyong trabaho. Huwag kang masyadong mag-alala dahil mukhang maganda naman ito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 2
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang may malaking chance na ma-delay ang iyong trabaho, pero huwag kang ma-bother dahil tiyak na hindi mo naman ito kasalanan.
Love:
Singles: Kung hindi ka talaga pinapansin ng crush mo, huwag mo siyang bigyan pa ng panahon dahil masasayang lang ang effort mo sa kanya.
Money/Career:
May malaking chance na tumaas ang iyong sahod sa iyong trabaho. Manalig ka lang.
Lucky color: White
Lucky number: 17
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang magagawa mong pagkakitaan ang isa mong talento o hobby. Sign na ito para magtayo ka ng sarili mong business.
Love:
Singles: Hindi porke nag-aalala siya ay may gusto na siya sa iyo. Marahil ay isa siya talagang tunay na kaibigan.
Money/Career:
May chance na madelay ang iyong sahod. At dahil dito, kailangan mo munang magtipid.
Lucky color: Grey
Lucky number: 17
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Okay lang naman na gumimik ka kasama ng iyong barkada, pero siguraduhin mo muna na tapos na ang mga bagay na inuutos sa iyo.
Love:
Couples: Magiging iritable ka ngayong araw kaya naman mas mabuting huwag na muna makipagtalo sa iyo ang iyong partner.
Money/Career:
Kung may bagay ka na matagal mo na gustong bilhin, ito na ang tamang araw para gawin ito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 15
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang magagawa mong solusyunan ang problema ng isa sa iyong mga kaibigan, kaya naman ililibre ka niya bilang pasasalamat.
Love:
Couples: Huwag mo gawing kumplikado ang lahat. Huwag kang masyadong praning dahil ikaw lang ang gumagawa ng problema sa inyong relasyon.
Money/Career:
Kung hindi na masyadong maganda ang status ng iyong career, marahil ay panahon na para sumubok ka ng bago.
Lucky color: Blue
Lucky number: 24