Daily Horoscope: February 15, 2018 – Thursday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang alam mo naman kung ano ang kailangan mong gawin pero parang may pumipigil sa iyo para simulan ito.
Love:
Couples: Iparamdam mo sa iyong partner kung gaano siya kaimportante para sa iyo. Pwede mo siyang ipagluto o yayaing kumain sa labas.
Money/Career:
Huwag mo na ipagtanggol ang isang tao lalo na kung alam mo namang mali ang kanyang nagawa.
Lucky color: Green
Lucky number: 24

Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang magkakaroon ka ng problema habang ikaw ay nasa byahe. Kaya naman mag-isip ka ng ibang ruta kung sakaling mangyari ito.
Love:
Couples: Gumawa kayo ng something adventurous ngayong araw. Pwede kayong pumunta sa isang lugar na matagal ninyo na gustong puntahan.
Money/Career:
Kung magiging emosyonal ka sa iyong trabaho, malaki ang chance na hindi ka makapagfocus sa iyong mga gawain.
Lucky color: Dark green
Lucky number: 30

Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung mangangarap ka ng mataas, siguraduhin mo na kakayanin mo itong abutin at hindi ka tatamarin kaagad.
Love:
Singles: Subukan mong yayain ang isang tao na hindi mo naman talaga type. Malay mo, maging okay naman ang date ninyo.
Money/Career:
Habaan mo lang ang iyong pasensiya. Magkakaroon din ng pagbabago sa iyong trabaho kaya naman maghintay ka lang.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 7

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Bago mo akuin ang kasalanan ng iyong kaibigan, dapat ay handa ka sa consequences na iyong haharapin.
Love:
Singles: May taong nagkakagusto sa iyo, pero sadly, mukhang kaibigan lamang ang tingin mo sa kanya.
Money/Career:
Mukhang malapit ka na swertehin sa iyong career. Maging consistent ka na lamang sa iyong mga gawain.
Lucky color: Blue
Lucky number: 10

Leo (Jul 23 – Aug 22)
May malaking chance na maging moody ka ngayong araw kaya naman mas mabuting layuan ka muna ng mga taong mahilig mangulit.
Love:
Singles and Couples: Kahit gaano ka pa kabusy, dapat ay naglalaan ka pa rin ng oras sa iyong pamilya.
Money/Career:
Mukhang malapit ka na maging successful sa iyong career, pero may mga bagay talaga na kumukontra rito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 1

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung meron kang problema, mas mabuting magrelax ka at mapag-isa na lang muna para makapag-isip ka nang mabuti.
Love:
Singles: Kung meron kang party na pupuntahan, magiging maswerte ka dahil doon mo makikita ang taong nakatadhana para sa iyo.
Money/Career:
Kung hindi ka sigurado kung tatanggapin mo ba ang isang offer o hindi, mas mabuting pag-isipan mo muna ito bago ka magbitaw ng desisyon.
Lucky color: Light green
Lucky number: 16

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung meron kang mga bagay na hindi na nagagamit, mas mabuting ipamigay mo na ito sa iba para hindi na ito maging tambak sa iyong kwarto.
Love:
Singles: Kung meron kang nagugustuhan na tao, hindi ito ang tamang panahon para aminin mo ito sa kanya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtuturo ang trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 7

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang magiging maganda ang mood mo ngayong araw at paniguradong mapapansin ito ng iyong mga kaibigan.
Love:
Singles: Bago ka mag-expect ng pag-ibig galing sa iba, dapat ay matutunan mo munang mahalin ang iyong sarili.
Money/Career:
Kontrolin mo muna ang iyong paggastos. Bilhin mo lang ang isang bagay lalo na kung talagang kailangan mo na ito.
Lucky color: Dark green
Lucky number: 20

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang magagawa mong solusyunan ang isang problema ngayong araw, kaya naman may chance na bumilib sa iyo ang ibang tao.
Love:
Singles: Kung meron kang event na gagawin, asahan mo na marami sa iyong mga iimbitahin ang hindi makakapunta.
Money/Career:
Mukhang magiging demanding ang araw na ito para sa iyo, kaya naman mas mabuti kung magfofocus ka sa iyong mga gawain.
Lucky color: violet
Lucky number: 25

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag ka muna magpayo sa isang tao ngayong araw dahil may chance na hindi ito makakatulong sa kanya.
Love:
Couples: Mukhang kakaiba ang kinikilos ng iyong partner, kaya mas mabuti kung magmamasid ka muna sa kanyang mga galaw.
Money/Career:
Kung hindi masyadong magand ang takbo ng iyong career, marahil ay panahon na para sumubok ka ng bago.
Lucky color: Grey
Lucky number: 12

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Sabihin mo sa isang tao ang tunay mong nararamdaman, lalo na kung makakatulong ito sa iyo para gumaan ang iyong pakiramdam.
Love:
Couples: Malaki ang chance na maguluhan ka ngayong araw, lalo na kung tungkol ito sa ugali ng iyong partner.
Money/Career:
May malaking chance na makapag-abroad ka, kaya naman kumuha ka na agad ng requirements para sa visa mo.
Lucky color: Light green
Lucky number: 7

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang magiging sweet ka sa isang tao ngayong araw, kaya naman may chance na magkagusto siya sa iyo.
Love:
Singles: Para mabawasan ang iyong stress, subukan mong mag-enroll sa isang fitness program para naman maging healthy ka rin.
Money/Career:
Hindi porke meron kang pera ay dapat mo na itong ubusin. Magtira ka naman para meron kang ipon.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 22

Comments

Loading...

Article Tags

daily horoscope195 horoscope195

Whats your reaction?

0

ABA'Y MATINDI

0

OK LANG

0

LOL

0

PAK NA PAK

Comments

image