Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang marami ka pang dapat gawin ngayong araw, kaya naman gumising ka nang maaga para makapagsimula ka kaagad.
Love:
Couples: Mukhang paganda nang paganda ang samahan ninyong dalawa. Ipagpatuloy ninyo lang ang inyong ginagawa.
Money/Career:
Kailangan mong galingan sa iyong trabaho lalo na kung pinapanood ka ng iyong boss.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 1
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung merong taong magbibigay sa iyo ng payo, sundin mo ito at huwag ka na umangal dahil para rin naman ito sa ikabubuti mo.
Love:
Singles: May malaking chance na makita mo ang iyong magiging partner sa isang event na may kinalaman sa sports.
Money/Career:
Maghintay ka lang at tiyak na darating ang bagay na inaasam mo.
Lucky color: Pink
Lucky number: 4
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang may malaking chance na maging moody ka ngayong araw, kaya naman medyo mahihirapan kang pakisamahan ng ibang tao.
Love:
Couples: Kung meron kayong hindi pagkakaintindihan, mas mabuti kung pag-uusapan ninyo ito kaagad.
Money/Career:
Mukhang proud ka naman at happy sa iyong trabaho at tiyak na napapansin ito ng iyong mga boss.
Lucky color: Blue green
Lucky number: 7
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang may malalaman kang bagay tungkol sa isang tao ngayong araw. Huwag mo itong ipagkakalat sa iba.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para yayain ang iyong partner lumabas at kumain o kaya’y manood ng sine.
Money/Career:
Huwag ka masyadong masungit sa iyong trabaho, lalo na kung palagi kang may hinihiling sa ibang tao.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 11
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang mapapagastos ka ngayong araw at may malaking chance na may kinalaman ito sa damit o make-up.
Love:
Couples: Mag-ingat ka dahil mukhang may taong gustong manggulo sa inyong relasyon. Huwag mong hayaang magtagumpay siya.
Money/Career:
Kung iniisip mo na pumasok sa isang investment, maganda ang araw na ito para sumali rito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 3
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Okay lang naman na humingi ka ng tulong sa iba, pero huwag naman sana umabot sa point na nagiging abusado ka na.
Love:
Couples: Mukhang wala sa mood ang iyong partner ngayong araw kaya naman masahiin mo na lang siya para gumaan ang kanyang pakiramdam.
Money/Career:
Magbubunga rin ng maganda ang lahat ng iyong paghihirap, kaya naman kumapit ka lang.
Lucky color: Green
Lucky number: 25
Libra (Sep 23 – Oct 22)
May malaking chance na may samahan kang tao ngayong araw at mukhang mag-eenjoy ka naman na kasama siya.
Love:
Couples: Huwag mo na palalain ang sitwasyon. Para makapag-usap kayo ng maayos, palamigin ninyo muna ang inyong mga ulo.
Money/Career:
Mukhang may posibilidad na magkaroon ka ulit ng late shift sa mga susunod na araw.
Lucky color: Violet
Lucky number: 28
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang may problema kang hinaharap sa ngayon at may malaking chance na may kinalaman dito ang isa sa iyong mga kamag-anak.
Love:
Couples: Kung meron kayong misunderstanding ng iyong partner, pag-usapan ninyo ito at huwag laging idaan sa tampuhan.
Money/Career:
Mukhang magiging maswerte naman ang career mo sa mga susunod na araw kaya wala ka dapat ipangamba.
Lucky color: Dark green
Lucky number: 3
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang maguguluhan ka ngayong araw, kaya kung meron kang gagawin na desisyon, ipagpaliban mo muna ito.
Love:
Singles: Mukhang may malaking chance na mameet mo na ang taong nakatadhana sa iyo at mukhang mahilig siyang mag-gym.
Money/Career:
Kung nagsisimula ka pa lang sa iyong career, kailangan mong tatagan ang iyong loob dahil mahirap talaga maghanap-buhay.
Lucky color: Green
Lucky number: 15
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung meron kang gustong gawin na matagal mo na dapat nasimulan, maganda ang araw na ito para ituloy na ito.
Love:
Singles: Mukhang hindi pa ito ang tamang panahon para ikaw ay maghanap ng partner. Ienjoy mo muna ang pagiging single mo.
Money/Career:
Huwag mong pabayaan ang iyong sarili. Kung kailangan mong magpahinga, gawin mo ito.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 16
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung nahihirapan kang gumawa ng desisyon, humingi ka ng opinyon ng ibang tao para naman makapag-isip ka ng tama.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para sorpresahin mo ang iyong partner. Pwede mo siya bilhan ng isang regalo na magugustuhan niya.
Money/Career:
Tandaan mo, huwag kang magrereklamo tungkol sa iyong trabaho lalo na kung nasa opisina ka.
Lucky color: army green
Lucky number: 10
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung meron kang gustong gawin lalo na kung tungkol ito sa inyong bahay, simulan mo na ito habang maaga pa.
Love:
Couples: Mukhang magiging aggressive ka ngayong araw at may chance na maguluhan dito ang iyong partner.
Money/Career:
Kung merong oportunidad na dumating sa iyo, kunin mo na ito kaagad bago ka pa maunahan ng iba.
Lucky color: Brown
Lucky number: 14