Aries (Mar 21 – Apr 19)
May malaking chance na maging busy ka ngayong araw. Kung meron kang planong gumala, dapat ay bilis-bilisan mo para matapos ka nang maaga.
Love:
Couples: Makinig ka sa sinasabi ng iyong partner. Iwasan mo na ang pagiging pasaway para hindi na siya ma-stress sa iyo.
Money/Career:
Kung meron kang hindi naiintindihan, huwag kang mahiyang magtanong. Iwasan mong magmarunong.
Lucky color: Red
Lucky number: 9
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kailangan mong magtiwala sa isang tao ngayong araw, lalo na kung siya lang talaga ang taong makakatulong sa iyo.
Love:
Couples: Kung wala ka namang importanteng gagawin, mas makakabuti sa iyo kung magpapahinga ka na lamang sa bahay.
Money/Career:
Mukhang makakaisip ka na ng solusyon para
sa problema mo sa pera.
Lucky color: Blue
Lucky number: 8
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kailangan mong magtiwala sa isang tao ngayong araw, lalo na kung siya lang talaga ang taong makakatulong sa iyo.
Love:
Couples: Kung wala ka namang importanteng gagawin, mas makakabuti sa iyo kung magpapahinga ka na lamang sa bahay.
Money/Career:
Mukhang makakaisip ka na ng solusyon para sa problema mo sa pera.
Lucky color: Blue
Lucky number: 8
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung medyo malayo ang lugar kung saan ka nagtatrabaho, mas makakatipid ka sa pamasahe kung lilipat ka ng matitirhan.
Love:
Couples: Huwag mong kalimutan na maglaan ng oras sa inyong pamilya. Mag-isip ka ng isang activity kung saan makakapagbonding kayo.
Money/Career:
Kung binabalak mo na pumasok sa isang investment, mukhang maganda ang araw na ito para simulan mo ito.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 3
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung nalilito ka sa mga nangyayari sa iyong paligid, mas mabuti kung susunod ka na lamang sa agos.
Love:
Singles: May malaking chance na magkaroon ka ng romantic encounter ngayong araw. Kung feel mo talaga siya, huwag mo na siya pakawalan.
Money/Career:
May pagbabagong mangyayari sa iyong trabaho, kaya naman dapat ay maghanda ka rito.
Lucky color: Purple
Lucky number: 23
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag ka na lang maghiganti sa taong nanakit sa iyo. Hayaan mo na lang sila dahil tiyak naman na kakarmahin din sila.
Love:
Singles: May malaking chance na mahulog ang loob mo sa isang foreigner. Huwag kang mag-alala dahil mukhang bagay naman kayo.
Money/Career:
Kung tuloy-tuloy ang trabaho mo, magkakasakit ka lalo na kung hindi ka nagkakaroon ng mahabang tulog o pahinga.
Lucky color: Brown
Lucky number: 14
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Maganda ang araw na ito para yayain mo ang iyong mga kaibigan at mamasyal sa mall. Baka swertehin ka at may manlibre sa iyo.
Love:
Couples: Kailangan mong habaan ang iyong pasensiya ngayong araw dahil magiging pasaway na naman ang iyong partner.
Money/Career:
Huwag ka basta pumasok sa isang investment kung hindi ka naman sigurado dahil baka ikalugi mo lang ito.
Lucky color: Red
Lucky number: 13
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kailangan mo ng tulong at kung tanggap mo ito sa iyong sarili, mas maaga kang matutulungan ng ibang tao. Panahon na para magbago ka.
Love:
Singles: May malaking chance na maging moody ka ngayong araw at hindi mo trip na gumala kasama ng iyong barkada.
Money/Career:
Mukhang okay naman ang ginagawa mo sa iyong trabaho, kailangan mo na lamang maging consistent dito.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 27
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Ang araw na ito ay tungkol sa pagbabago. Kaya naman kung meron kang hindi gusto sa iyong sarili, panahon na para baguhin mo ito.
Love:
Singles: Mukhang may chance na may mga tao na magkagusto sa iyo, kaya naman ayusin mo ang iyong kilos para hindi sila maturn-off.
Money/Career:
Mukhang mamalasin sa araw na ito ang mga taong may haharaping exam.
Lucky color: Cream
Lucky number: 11
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang hindi ka masyadong masaya recently. Subukan mong pasyalan ang mga paborito mong lugar at baka sakaling gumanda ang mood mo.
Love:
Couples: Mukhang magiging demanding ka ngayong araw sa iyong partner kaya naman mapepressure siya sa mga gusto mo.
Money/Career:
Mukhang okay naman ang status ng iyong career. Pero kung may mas magandang opportunity ang dumating sa iyo, huwag mahiyang kunin ito.
Lucky color: Purple
Lucky number: 17
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Maganda ang araw na ito para subukan mo ang isang bagay na bago para sa iyo. Malay mo ay magustuhan mo ito at maging hobby mo na.
Love:
Singles: Huwag ka na maging team bahay ngayong araw at lumabas ka at baka may good news na makarating sa iyo.
Money/Career:
Hindi importante kung mahirap ang iyong trabaho, dahil masipag ka naman kaya naman sisiw ito para sa iyo.
Lucky color: Grey
Lucky number: 21
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang may malaking chance na makatanggap ka ng good news ngayong araw at may kinalaman ito sa pera.
Love:
Singles: Maganda ang araw na ito para ilaan sa iyong pamilya. Yayain mo silang lumabas para makapagbonding kayo.
Money/Career:
Huwag ka kaagad pumayag sa isang offer lalo na kung masyado itong maganda para magkatotoo.
Lucky color: Grey
Lucky number: 7