Dingdong remains mum on reason behind his and Karylle’s break up

Nakorner ng ABS-CBN.com si Dingdong Dantes sa “Celebrity Night (Star For a Cause)” ng Philippine Movie Press Club sa Metro Bar. Inamin niya na hindi madaling bahagi o kung anumang kaganapan sa buhay niya ang break-up nila ng ex-girflriend niya na si Karylle. Pero consistent pa rin si Dinddong sa pag-iwas sa pagbibigay ng detalye sa break-up nila ni Karylle. “Actually, I really don’t want to talk about it. Kasi ah, besides bagong kaganapan ito. Ayoko munang magsalita,” panimula ni Dingdong.

May mga nagsasabing itinatago pa rin ni Dingdong ang mga regalong ibinigay sa kanya ni Karylle at hindi naman ito itinanggi ng aktor. “Dahil ’yung mga bagay na importante sa aming dalawa hindi naman pwedeng itapon,” explain ni Dingdong. Ibig sabihin, importante pa rin talaga sa kanya si Karylle? “Always, always.” Hindi kaya may kapalit na sa puso niya si Karylle? “Wala, wala. Kasi alam mo ang puso kapag nagmahal hindi naman ibig sabihin meron ka’ng minahal sa kapalit. Ang pagmamahal naman hindi nawawala ‘yon. Maaring iba na ang posisyon sa puso pero hinding-hindi mawawala ‘yon.” May chance ba na magkabalikan sila ni Karylle? “Ah, papasa-Diyos ko na lang muna,” malungkot na sabi ng aktor. At kahit dineny na ni Dingdong ng paulit-ulit na hindi ang leading lady niyang si Marian Rivera ang dahilan ng break up nila ni Karylle ay ito pa rin ang malakas na usap-usapan ngayon. Kahit saang anggulo raw tingnan, lumalabas na parang inagaw ni Marian si Dingdong kay Karylle.“Hindi, hindi, eh. I can say that it’s really not true.”


Ako: The Fearless Eater Robelle Neo


As for Karylle’s decision na lumipat ng istasyon, malungkot din si Dingdong sa paglipat ng kanyang ex. “Ah, ako kasi I believe she’s really an asset of the network (GMA). Nakakalungkot to know that she will transfer because she will always have a very special mark in the network and that cannot be filled by anybody else.” Naramdaman ba niya na isa siya sa mga dahilan kaya nag-alsa balutan si Karylle sa GMA7? “Hindi ko inisip. Ayokong isipin na ganu’n and I don’t believe that,” diin ni Dingdong. Pakiramdam daw ni Karylle hindi siya prinotektahan ng network sa love team ni Dingdong at Marian kaya wala siyang choice kundi umalis ng GMA7. Sa tingin niya, totoo ba ito? “I believe the network will always be fair and especially when it comes to personal things like that, ah, they are also human beings. So, they will always be fair.” Nasaktan ba siya sa paglipat ni Karylle sa ABS-CBN? “Sana hindi. But kung saan siya mas liligaya at kung saan mama-maximize aNg kanyang talento at kanyang kagalingan, e, susuportahan ko siya. No, because I believe that she has a place in the network. Kaya sabi ko that she will never be replaced by anyone and I’ve always believed in her talent. And I’m very proud of her.”

If Karylle cannot be replaced by anyone what about in his heart, mapapalitan ba siya sa puso ni Dingdong? “Right now, it’s been a very difficult thing. So, I really don’t know what to say.” Paano nila tini-take ni Marian na halos araw-araw niyang kasama na siya ang sinisisi sa hiwalayan nila ni Karylle? “Actually, we don’t talk about it, eh. Minsan lang. Pero the thing is hindi naman talaga kailangan na ah, pag-usapan ng husto because there’s really nothing to talk about and alam naman natin kung saan tayo lulugar sa lahat ng mga espekulasyon.” Dahil sa pagsasalita niya, umaasa si Dingdong n asana ay matapos na ang mga usap-usapan. “Hindi ko masisisi ang mga espekulasyon. Kaya nga nagsalita ako at kaya nga sinabi ko na kung ano ang reaksyon ko. And I hope it will end there.” Nakakatulong ba si Marian sa pagpawi ng lungkot niya sa break-up nila ni Karylle? “Ah, she has nothing to do with it.”

May mga naglabasan din na kinukumpara ang naging break up nila noon ni Antoinette Taus sa hiwalayan naman nila ngayon kay Karylle. Ano ang masasabi niya dito? “That’s unfair because we have different chapters, different experiences, different people and kung anuman ‘yung pinagdaan namin, sa amin na lang ‘yon.” May communication pa rin ba sila ni Karylle despite the break-up? “Regular pa rin ang communication namin.” Sinabi rin ni Dingdong na tuloy pa rin ang pagiging magkasosyo nila ni Karylle sa naipundar nilang business.

What about Karylle’s mom na si ZsaZsa Padilla? May balita na galit na galit daw si ZsaZsa sa kanya? “Hindi ko pa siya nakakausap. But ah, yeah, I will talk to her. Pero ang alam ko medyo busy pa siya ngayon. She’s out of the country.” Plano rin ni Dingdong na kausapin pati ang ama ni Karyle na si Dr. Tatlonghari na isa rin tiyak sa mga nanghihinayang sa separation nila. Hindi ba siya nanghihinayang sa napakatagal na panahon na inalagaan nila ni Karyle ang kanilang relasyon? “Yeah, but I don’t want to go into detail anymore. Okay na po sa akin ‘yun,” tapos ni Dingdong.

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

Written by Mc Richard Paglicawan

LionhearTV has always believed in what the everyday reader can contribute, and has always been open to receiving input, help, or leads on stories.

Ram Sagad vs JC Tiuseco

TV Ratings (Nov. 14-17): “Luna Mystika” weaves magic on its pilot episode