NGAYONG Lunes nang 5:00 AM ang umpisa ng Eleksyon 2010, ang election coverage ng GMA 7.

Humigit-kumulang 600 reporters at correspondents mula sa GMA Network at election partners nito ang magbabantay at maghahatid ng balita habang ginaganap ang unang automated elections sa Pilipinas.

Para sa makasaysayang coverage na ito, kasama ng GMA Network — at sa ilalim nito, ang Q Channel 11, DZBB, Radio GMA Network (RGMA), GMA New Media, GMANEWS.TV at GMA Pinoy TV — ang malalaking pangalan sa tri-media, telecommunications, information technology, education, business, research at public service:
PLDT Company, Smart Communications, Philippine Daily Inquirer, Inquirer.net, Catholic Media Network, AMA Education System, Ateneo School of Government, De La Salle University, San Beda College, University of the Philippines School of Economics, Solar Entertainment, Youth Vote Philippines, RockEd, Philippine Center for Investigative Journalism, Institute for Political and Electoral Reform, Philippine Bar Association, Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), at ang Commission on Elections (Comelec).

Gagamitin ng GMA News and Public Affairs ang mga pina*kabagong on air graphics system mula sa Vizrt para lalong mabigyang buhay, sa tulong ng 3D and 2D graphics, ang mga election information na makakalap mula sa field.

Ang graphics system na ito, na ginagamit ng CNN, ay maghahatid sa milyun-milyong manonood ng GMA-7 sa Pilipinas at saan man sa mundo ng malinaw na ideya kung ano ang nangyayari sa eleksyon.

Higit pang pinalalakas ng GMA News and Public Affairs ang citizen journalism bilang isang mahalagang bahagi ng election coverage kaya hinihikayat nito ang lahat na maging mapagbantay habang bumoboto, na maging mapagmasid sa mga kuwento at video na maaari nilang ma-upload sa website na YOUSCOOP.TV.

Mayroon ding ELEKSYON 2010 Action Center na itinayo para sa mga katanungan ng mga botante at sa mga gustong maghain ng reklamo.

Share