Nahanapan na rin ng GMA 7 ng ka-loveteam si Elmo Magalona at ito’y si Kylie Padilla. May nagtsika sa aming ilo-launch ang loveteam ng dalawa sa soap entitled Koreana.

Hindi alam ng source namin kung original o remake ang material, kaya nag-research kami sa internet at wala kaming nahanap.

Akala namin ito ‘yung movie na pinagbidahan dati ni Nida Blanca, pero nang i-Google namin, Korea lang pala ang title ng movie. Sabi pa ng source namin, pang-primetime ang Koreana at second week ng September ang start ng taping.

Tiyak na magre-react nito ang fans ng loveteam nina Elmo at Julieann San Jose dahil matagal na nilang nire-request sa management ng Channel 7 na subukang bigyan ng acting project ang dalawa. Pero pang-Party Pilipinas lang yata ang loveteam nina Elmo at Julieanne at pang soap naman ang Elmo at Kylie.

In fairness, bagay sina Elmo at Kylie dahil parehong A-lister sa showbiz ang mga ama. Si Elmo ay anak ni Francis Magalona at si Kylie ay si Robin Padilla ang ama.

Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon)

Share