Pagkatapos ng Diva, may sisimulang bagong soap si Regine Velasquez sa GMA7. Pero sa November pa ito mapapanood bago ang kasal nila ni Ogie Alcasid.

Ayon sa aming source, definitely, hindi si Ogie ang leading man ni Regine sa soap. Kasi tanggap naman ng mga tao na kahit sino ang ipartner kay Regine, bagay sa singer-actress.

Hit na soap kay Regine ang pinaghalong comedy at drama, kaya ganito rin ang tema ng bago niyang programa, na hahaluan din ng musika.

Share