Nanghihinayang si Iza Calzado dahil hindi na niya magagawa ang Super Inday and the Magic Bibe, ang entry ng Regal Films sa 2010 Metro Manila Film Festival dahil sa conflict of schedule. Ang aktres sana ang main villainess ni Marian Rivera at nag-attend pa siya sa storycon, kaya lang biglang nagdatingan ang mga TV projects na ’di niya matanggihan.
Bukod sa pagko-co-host ng The Sweet Life ng Q Channel 11 with Rep. Lucy Torres-Gomez, gagawin din ni Iza sa GMA 7 ang Beauty Queen, to be directed by Maryo J. delos Reyes. Sisimulan na ang taping nito dahil September na ang airing at ipapalit sa Basahang Ginto.
May isa pang big offer kay Iza na gustung-gusto niyang gawin at talagang hahanapan ng oras para magawa. Saka na ang ibang details tungkol sa project na ito.
As of today, ang mga kasama ni Iza sa Beauty Queen ay sina Elizabeth Oropesa, Katrina Halili, Marvin Agustin, Fanny Serrano, Luis Alandy, Maggie Wilson, at Carmi Martin.
Nabalita na ring si TJ Trinidad ang leading man, pero hindi siya nabanggit sa amin.