You’d probably think na pini-pick up na lamang ang mga hayop na kinukuha para lumabas sa ma ra ming pelikula o palabas sa TV, depende sa kung ano ang nalalaman nila o kayang ibigay para sa gagam panan nilang role.
Sa serye na sinimulan kahapon sa GMA 7 na Ban tatay, isang aso ang kumuha ng lead role. Sa kanyang katawan papasok ang kaluluwa ni Raymart Santiago making him perhaps the cleve rest dog in the current local showbiz scene. Biruin mo, isang aso na mag-iisip at gagalaw na parang isang tao. Isang aso na magsisilbing bantay ng isang pamilya.
Hindi naging madali ang pag-aartista ni Charlie, isang dalawang taong Labrador na inaalagan ng isang trainer na nagngangalang Dennis Javier. Kina ila ngan pa nitong pumasa sa isang audition para ma kita kung makakaya niya ang magiging demands ng kanyang role.
May mga nakasabay siya sa audition na katulad niya ay magaganda ring aso, mga foreign breed, pero nakuha ni Charlie ang simpatiya.
Bago ang pormal na pagsalang ni Charlie sa ka mera ay dumaan ito sa tatlong buwang pagsa sanay.
Ikinagiliw kay Charlie ng kanyang mga co-ac tors sa Bantatay tulad nina Raymart, Gelli de Be len, Jen nica Garcia, Krystal Reyes, Sweet Ra mos ay ma dali siyang naka-adjust sa kanila. Sila ang madalas niyang makakaeksena. At ease siya na kasama sila at hindi kinakitaan minsan man ng kabalisahan o rest lessness sa piling ng iba pang bago niyang kakilala.