Pinakatutukan ang pilot episode ng Grazilda na kahit na late nang nagsimula dahil overtime ang mga naunang telebabad series sa kanya.

Isa sa mga ebidensya rito ay ang pagkakapanalo nito laban sa katapat na 1DOL na ineexpect na mataas ang ratings pero hindi pala.

Ang galing naman kasi ng istorya na simula sa isang fairy tale, ay may kwento pa palang pwedeng magawa. Tapos si Glaiza de Castro pa ang gumanap sa lead role na talaga namang napakatalented at napakaversatile. Sinamahan pa siya ng mahuhusay sa pag-arte at ilan lang sa kanila ay sina Cherrie Gil at Joel Torre na wala ka nang hahanapin pa sa pagganap.

Anyways, dahil sa ganda ng itinatakbo ng Grazilda sa Mega Manila ratings, hinila rin nito pababa ang 1DOL sa National ratings. Dati-rati ang slot na iyon ng ABS-CBN ay nakakakuha ng umaabot sa 40% ratings pero ang pinakahuling ratings ng 1DOL ay hindi man lang umabot ng 30%.

Masasabi ko talaga na may Grazilda Fever na sa buong Pilipinas! At dahil sa success ng Grazilda, how true na ang magiging tagline ng grand fantaserye ng ABS ay “What happens before Once Upon a Time?”. Hmmm… Grazilda much!?

Share