Nagpapa-release na si Jewel Mische sa kanyang kontrata sa GMA 7 kaya nakipag-meeting na ito sa ABS-CBN.
Hanggang 2012 pa ang kontrata ng young actress at gusto na nitong i-release siya kaya nagpadala ng sulat ang abogado nito.
Ipinasa na lang ng GMA Artist Center (GMAAC) sa kanilang abogado at wala pa silang masasagot kung iri-release ito ng Kapuso Network.
May mga payables pa si Jewel sa GMAAC na kailangang i-settle kaya wala pang linaw kung mabibigyan ito ng release paper.