Sa pag-bloom ng beauty ni Kris Bernal, kasama rin dito ang lalaking malapit sa kanyang puso ngayon, si Jay Perillo. Hindi na itinatanggi ngayon ni Kris na nagdi-date sila ni Jay.
Matagal nang tsismis na malapit sa isa’t isa sina Jay at Kris. Hindi nga ito maitatago sa press ito dahil pareho silang talent ng GMA7.
Si Jay ay busy ngayon sa Party Pilipinas at Comedy Bar. Mas singer kasi si Jay kaysa aktor kahit pa lumabas na rin sa Dear Friend episode na Tisay.
Maaaring hindi maamin ni Kris ang tungkol kay Jay noon dahil hit na hit ang loveteam nila ni Aljur Abrenica noon.
Bukod sa bago siyang afternoon soap na Koreana, may bago rin siyang leading men, sina Rocco Nacino at Steven Silva.