Mukhang nalalagay sa alanganin ang game show ni Edu Manzano na Asar-Talo, Lahat Panalo. Simula kasi nang magsimula ito ay hindi man lang nanalo (same lang sa Diz iz it na pinalitan nito) kaya nga ba magiging Diz iz it rin ang kapalaran nito?
Halos kakaisang season pa lang nito na nakatapat agad ang Showtime na kakacelebrate din lang ng 1st Anniversary nila.
Kung totoo ngang matitigbak na rin ang show na ito ni Edu, ito na ang pangatlong show na mapapatumba ng Showtime sa loob ng isang taon.

