Aminin man o hindi ng dalawang malaking network na ito, apektado sila sa lalong pagtaas ng ratings ng TV5.
Kitang-kita sa pinakahuling mga survey ng AGB Neilsen sa Mega Manila na magkakadikit na ang laban lalong -lalo na sa timeslot ng Willing Willie kung saan ang katapat nitong TV Patrol ay magkakaroon na ng malaking pagbabago lalo na sa mga anchors nito. Hindi man daw apektado ang GMA7 dito pero kababalita lamang na matatapos na ang Jejemom at Kaya ng Powers. Ito ang slot kna katapat noon ng Talentadong Pinoy na number 1 tuwing Sabado at Linggo.
Iba na talaga ang TV5 ngayon! Lumalaban hindi lang sa pagpapaganda ng kanilang mga shows kundi pati na rin sa ratings.