Sa Huwebes (December 2, 2010), sa ABS-CBN Trade Event, malalaman na ang mga bagong programa ng Kapamilya for 2011. Bagong konsepto at mga bagong kombinasyon!

Ano-ano kayang mga shows ang makikita sa event na ito?

Isa sa mga aabangan daw ay ang:

  • I Dare You : The Kapamilya Challenge na isang franchise from AXN’s I Dare You : The Ultimate Challenge na ihohost naman nina Melissa Cantiveros, Jericho Rosales at Iya Villania
  • Your Song Presents : Kim kung saan itatry ni Kimang iba’t ibang roles sa Lingguhang programang ito
  • Sabel na pinagbibidahan ng mga baguhang sina Joseph Marco, AJ Perez at si Jessy Mendiola
  • Guns and Roses na pagtatambalan nina Bea Alonzo at Robin Padilla kasama sina Ejay Falcon, Empress Shuck at Diether Ocampo.
  • Green Rose, ang remake ng Koreanobela nina Anne Curtis at  Jericho Rosales kasama si Jake Cuenca
  • Minsan Lang (na isang family drama na pagtatambalan naman nina Andi Eigenmann at Coco Martin kasama ang mga bigating stars na sina John Estrada, Amy Austria at Lorna Tolentino
  • Pilipinas Got Talent Season 2 – Kris Aquino, Ai Ai Delas Alas at Freddie Garcia as judges
    • ShoutOut na nagsimula nang umere noong Monday with almost 40 teen stars
    • Star Circle Quest search for the next Kiddie Superstar na ihohost naman ni KC Concepcion
    • Laugh Out Loud (LOL) nina Luis at Alodia

    Ilan lang ito sa mga shows na ilalaunch this coming Thursday. Ano-ano pa kaya ang iba?

    Share