Itinanggi ng nakausap naming taga-GMA News & Public Affairs ang balitang papasok si Jessica Soho sa 24 Oras bilang pantapat kina Noli de Castro, Ted Failon at Korina Sanchez-Roxas na bagong newscasters ng TV Patrol.
“Not true” ang maikling sagot sa amin at na-tweet din ni Sandra Aguinaldo na walang ganoong plano.
Sa follow-up question namin kung may mga pagbabagong gagawin sa 24 Oras sa Monday dahil papasok na sina Noli at Korina sa TV Patrol, “Wala, we just keep on being credible and give the viewers the real news” ang sagot sa amin.
Ibigay kaya ng GMA-7 ang hiling ng viewers ng newscast na iklian ang airing time ng 24 Oras at ’wag nang isama ang ’di ganu’n ka-importanteng balita at higit sa lahat, ’wag paulit-ulit na balita?
Na ’yung napanood na sa Unang Hirit at Saksi ay ’di na mapanood sa 24 Oras?

