Ibang level na talaga ang JULIELMO pati mga fans nila. Natalo nila ang sinasabing pinakamaraming fans noon na KIMERALD at ang sikat na sikat na JOSHBIE.
47.65% ang nakuha ng JULIELMO sa total na 15, 117 votes. Pinakamalapit sa boto nila ay ang JoshBie na nakakuha ng 44.39% at sinundan ng KIMERALD with only 3.31%, ENRICH – 2.77%, MELASON – 1.13% and ALKRIS – 0.74%.
Baguhan pa lang ang JULIELMO na siguradong bobongga ang career ngayong 2011 dahil sa mga plans ng GMA7 management sa kanila. Isa na rito ang ang susunod na Reel Love Presents : Tween Hearts ng JOSHBIE loveteam na naextend dahil sa magandang ratings nito.
Subok na subok na sa singing ang pareha na ito at kitang-kita ang chemistry nila na hindi pilit. This 2011, masusubukan naman ang loveteam na ito sa una nilang pagsabak sa acting bilang loveteam.


