Iba na ang level ni Cristy Fermin dahil hindi lang siya pang showbiz talk show host kundi isa na siyang drama anthology host ngayon ng “Star Confessions” ng TV5. Kalevel na niya si Charo Santos ngayon dahil sa kanyang show ngayon.
Ang kauna-unahang episode niya na nagtatampok sa isang Willing Willie dancer na si Congratulations ay nakakuha ng People Rating na 10% ayon sa AGB Neilsen sa Mega Manila. PangPrimetime talaga ang rating na iyan! Kasabay iyan ng pagnumber one sa slot ng Willing Willie laban sa TV Patrol at 24 Oras.
Ibang level na talaga ang TV5. Unti-unti nang nakukuha ng TV5 ang Mega Manila! Kitang-kita na ang pinaghirapan ng mga taga-TV5 sa pangunguna ng kanilang president na si Manny Pangilinan.

