Ilu-launch ng GMA 7 si Louise delos Reyes, gumaganap na Luisa sa Tween Hearts at kapareha ni Derrick Monasterio. Ang GMA Artist Center talent ang bida sa seryeng Alakdana na papalit sa isa sa afternoon soap ng Channel 7.
Si Mac Alejandre raw ang magdidirek nito at kahapon, pinag-usapan na kung sino ang ipapareha sa kanya at ibang isasama sa cast. Bakit hindi isama si Derrick, para mas tumibay ang tambalan ng dalawa?
Tiyak na may mga magre-react sa planong ito ng GMA 7 dahil marami ang mas naunang talent kay Louise ang network na hindi pa nabibigyan ng chance na magbida. Kabilang sina Chynna Ortaleza, Ryza Cenon, Stef Prescott, at si Nadine Samonte na nawawala sa eksena.