Mamayang gabi na magsisimula sa GMA 7 ang telefantasyang Dwarfina nina Heart Evangelista at Dennis Trillo. Naniniwala ang dalawa na kahit walang romantic angle na puwedeng gamitin sa publicity ng telefantasyang ito, tatangkilin pa rin ito dahil maganda ang ginawa nila.
Suportado si Heart ni Daniel Matsunaga at si Dennis naman ay nandiyan ang suporta ni Jennylyn Mercado.
Nang mag-promote sila sa Startalk, matagal bago nakasagot sina Heart at Dennis nang tinanong sila kung posibleng magkadebelopan pa rin ba sila kahit kapwa committed na sila sa iba.
Kilala pa naman si Dennis na madaling ma-in love sa mga nakaka-partner niya pero mukhang happy siya kay Jennylyn kaya tingnan na lang natin.