May next soap na pala si Jennylyn Mercado, ito ay kung totoong kasama siya sa cast ng Moral, isa pa sa bagong afternoon drama ng GMA-7. Nauna nang naba-litang kasama sa soap si Nadine Samonte na inalis sa Magic Palayok para ilagay dito.
This Monday na raw mapa-finalize ang final casting ng soap at mala-laman kung makakasama pa ang isang magaling na aktres na problema ang schedule dahil may nau-nang natanggap na project bago dumating ang Moral.
Malalaman na rin si-guro kung sino ang magdi-direk nito at kung sino ang male cast o makakapa-reha nina Jennylyn at Nadine Samonte. Kundi kami nagkakamali, ngayon lang uli magkakasama sina Jennylyn at Nadine after Super Twins.

