Unang nakilala si Maricris Garcia bilang Grand Champion ng Pinoy Pop Superstar kung saan si Regine Velasquez ang host sa GMA7. Nagkaaward na rin siya mula sa PMPC Star Awards for Music ng Best New Female Recording Artist noong 2009. At ngayon naman ay kasama na siya sa singing trio ng Party Pilipinas na La Diva.

Nagulantang ang mga facebook friends niya nang bigla siyang magcomment ng pasaring sa kanyang wall ng ganito: “This is La Diva, hindi isa lang!! at walang back up, kung gustong magsolo, suportahan kita teh! ‘yun naman ang dream mo eh. basta ligo ka lang everyday! BWAHAHAHA!”

Isa sa mga pinaghihinalaang pinatatamaan ni Maricris ay si Jonalyn Viray na hanggang sa kasalukuyan pa rin ay tahimik at walang reaction sa mga posts ni Maricris. Hindi naman pwedeng si Aicelle Santos dahil BFF niya ito sa La Diva. Tatlo lang naman sila dun para pahulaan pa ‘di ba?

Matatandaan nating unang nag-audition si Maricris sa kauna-unahang Pinoy Pop Superstar ngunit hindi naman siya pinalad kung saan naman nanalo si Jonalyn Viray. Hindi kaya doon pa lamang ay may galit na siya? Or may iba pa?

Share