in

Bayani Agbayani, Balik TV5!

Balik TV5 ulit si Bayani Agbayani. Makakasama nga siya sa project na Bangis ni Oyo Sotto sa Kapatid Network.

May gagawin din daw siyang project sa TV5 na kung saan ay si Aga Muhlach naman ang kasama niya.
Kuwento ni Bayani, freelancer daw siya ngayon. Mula raw nu’ng nagpa-release siya ng kontrata sa GMA 7, hindi raw muna siya pumirma ng exclusive contract.

Sabi ni Bayani sa akin nang makatsikahan namin sa victory party ni Dolly Anne Carvajal na nagwagi bilang best entertainment columnist sa Gawad Tanglaw, nagpa-release na siya sa Kapuso Network bago pa man magsara ang 2010.

Dapat sana ay may isang taon pa siyang kontrata sa GMA, pero nagpa-release na raw siya agad dahil wala naman daw naibibigay na project ang GMA sa kanya.

Ang naging regular show lang daw niya sa GMA ay ang Diz Is It, na prodyus pa ng TAPE, Inc. At ang ibang show na nilabasan niya sa GMA ay puro semi-regular lang daw.

Nilinaw ni Bayani na wala siyang hinanakit o tampo o galit sa GMA. Gusto lang daw niyang magtrabaho.

Anyway, dapat daw ay kasama siya sa sitcom ni Cesar Montano sa GMA na Andres de Saya, pero wala raw siyang idea kung kalian `yon magsisimula. Nainip na raw siya na magka-project sa GMA, kaya minabuti niyang lumipat sa TV5.



Share

Comments



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

GMA7 to air Miss World Philippines’ coronation night!

Maxene, kinikilig kina Elmo at Julieanne