Halos araw-araw na ang taping ni Richard Gutierrez para sa Captain Barbell na magpi-premiere na sa Telebabad block ng GMA 7 sa Marso 21.

Noong isang araw ay lagare si Richard.

Naka-Captain Barbell costume muna siya sa location nila sa may Luneta at nang bandang gabi ay lumipat siya sa Morato Av., Quezon City at naka-Teng-Teng character naman siya.

Mas maraming kinukunang naka-Captain Barbell costume ngayon si Richard dahil more than two months din nilang kinunan muna ang mga eksena na Teng-Teng character ang binata dahil naghintay pa sila sa bagong costume ni Captain Barbell na ginawa sa Hong Kong.

Marami ang gandang-ganda sa bagong costume ni Captain Barbell.

Mas astig daw ang dating no’n.

Share