Mukhang nanganganib nang magpaalam sa ere ang Family Feud na kasisimula pa lang sa GMA7 ang pagbabalik game show na ito ni Edu Manzano.

Kaya nga ba inilagay na si Edu sa Unang Hirit para naman hindi magreklamo ito sa pagkawala na naman ng isa niyang game show? Matatandaang ang pagbabalik telebisyon niyang game show na Asar-Talo, Lahat Panalo ay hindi rin pumatok sa televiewers kaya agad itong namaalam.

Mukhang malakas talaga ang Showtime at ang waging-waging Face-to-Face kaya hindi makaabante ang GMA7 sa timeslot na ito. Tingnan natin kung ano ang maging desisyon ng management ng siete.

Share