Nanguna ang Kap’s Amazing Stories sa mga palabas sa GMA noong Linggo (Abril 3).

Sa 17 pan-Linggong programa ng Kapuso Network, nakapagtala ang Kap’s Amazing Stories ng pinakamataas na household viewership sa taglay nitong 22.2% rating.

Ito ay base sa Mega Manila overnight ratings na nakalap ng TV ratings data supplier na Nielsen TV Audience Measurement.

Simula nang umere noong 2007, consistent na matatag at ma­lakas ang Kap’s Amazing Stories sa Sunday line-up ng GMA.

Panoorin ang Kap’s Amazing Stories tuwing Linggo nang gabi pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA 7.

Share