Ngayon pa lang, marami na ang nag-aabang sa bagong soap ni Jackie Rice sa Dramarama sa Hapon ng GMA7 na Sisid, na mapapanood sa May 30.

Kaabang-abang daw kasi ang mga eksena ni Jackie kung saan magpapakita ng kanyang kaseksihan ang aktres.

Tiyak na maglalaway ang mga kalalakihan sa suot ni-yang body-hugging na mga damit at shorts shorts, huh!

Bukod kay Jackie, aaba-ngan din ang tatlong leading men niya sa Sisid na sina Ian Batherson, Dominic Roco at ang hunk and boy-next-door ang dating na si JC Tiuseco.

Sa trailer pa nga lang, marami na ang nae-excite sa ganda ng katawan at rehistro ng mukha ng bagong stars ng Sisid.

Share