Isa sa mga most requested TV series ng GMA7 ay ang Encantadia na 2009 pa lang ay ipinangako nang ibabalik ng GMA management pero hindi naman natutuloy.

Hindi naman kasi biro ang isang Encantadia series dahil magastos talaga ito at talaga namang hindi dapat basta-basta ang mga gaganap since napakagaling ng mga unang gumanap dito lalo na ang mga pangunahing tauhan dito.

Malamang na pagkatapos ng Amaya ay mapag-uusapan na ito dahil isa ring pinagkakagastusang series ng Kapuso Network ito. Hindi biro ang gastos ng GMA7 sa kanilang mga series para maassure ang quality ng kanilang mga shows.

Share