Hindi pa rin matapos-tapos ang issue ng paglipat ni Sarah Geronimo sa Kapatid Network. Kaya raw nagpunta sa US si Sarah ay para makapag-isip-isip kung tuluyan na ba niyang iiwan ang Kapamilya Network or magsstay dito? Pero hindi naman mawawala ang mga espekulasyon na ito kung walang pinanggagalingan ‘di ba?

Sa ngayon ay ASAP Rocks lang ang show ni Sarah ang ang pinakahuli niyang show sa network ay ang nacancel niyang show na “Idol” kung saan lagapak ito sa ratings.

Sa ngayon, kung aalis man si Sarah ay may isang Angeline Quinto nang pwedeng pumalit sa pwesto niya na mayroong concert this coming July. Hindi rin matatawaran ang galing nitong si Angeline ngunit masusubukan pa ang kanyang mga tagahanga this coming concert kung tatauhin or hindi.

Kapag bumalik nga kaya si Sarah Geronimo sa bansa ay dederetso na ito sa TV5? Magkatotoo kaya ang sinasabi ng ilan? Tingnan na lang natin kung ano ang mangyayari.

Share