Angeline Quinto, papalit sa trono ni Regine?

Kilala ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez bilang isa sa mga pinakamababait na personalities sa showbiz industry. Walang nagiging kaaway ito sa lahat ng mga nakakasama niya at lahat ay papuri sa kanya.

Dahil sa kanyang galing sa pag-awit, halos lahat ng mga singers dito sa bansa ay bilib sa kanyang galing kaya naman kabi-kabila ang mga nanggagaya sa kanyang singing style. Mayroong mga stand-up comedians na siya na lang ang talagang ginagaya kaya naman halos lahat ng kanta ni Regine ay bentang-benta.

Immitation is still the highest form of flattery pa rin kay Regine kaya lahat halos ng mga nanggagaya sa kanya ay kinikilala niya.

Kaya naman hindi nakakapagtakang si Angeline Quinto ang pinili ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez bilang pumalit sa trono niya. Ipinakita niya ang pagsuporta rito sa pagattend niya sa kauna-unahang concert ni Angeline at maging special guest nito. Buong ning-ning pa niyang ipinagsigawan ng Asia’s Songbird, na si Angeline ang susunod na Superstar.

Hindi naman nagkakamali si Regine sa paraan na parang kung may korona siya bilang singer, ipinuputong na niya ang korona ng kasikatan kay Angeline. Hindi lang dahil kaboses niya at kamukha ito kundi kilala si Angeline na isa talagang masugid na tagahanga ni Regine. Sa simula pa lamang na sumali ito sa mga singing contest ay si Regine na ang binabanggit nito.

Siguradong malayo ang mararating ni Angeline basta sundin lang niya ang pagiging mababang loob ng kanyang idolo at pagmamahal sa kanyang mga fans.



Share

Comments



12 Comments

Leave a Reply


  1. weh? kabagu-bago pa nga lang ni aq, papalit na agad ang issue? ano yan? JOKE? eh si SARAH nga na mas marami ng napapatunayan di nga puedeng pumalit kay REG, si aq pa kaya? it’s a BIG BIG BIG JOKE talaga! 🙂

  2. si Sarah magaling siyang kumanta, kaya lang mas magaling si Angeline kumanta dahil malinis at ang music niya ay really angelic. There is in her voice that when you hear, you will say awesome and makes you feel the melody from her heart, and that , nobody can contest that because it was even straight from Asia’s Songbird that acknowledged Angeline. Well they are in the showbiz world. If there is competition, it would be healthy competition, and Angeline has nothing to do with any comments a person gives because it is their opinion and what I am trying to point out, if there is sombody else better than sarah, Is no other than ANGELINE QUINTO and all TFC subscribers are patronizing her ans supporting her

  3. Hahaha i remember ms. Regine told that to sarah during her 1st concert at napuno ang araneta. Well balita ko nasold out lang daw ang concert ni angeline dahil sa liit ng venue eh sangkaterba pa na bigating stars ang inimbitahan. Mga stars na pang araneta like piolo n regine. Saka tama ang nabasa ko na pag bumirit na si angeline nawawala ang emotion sa kanta and that sucks. No, it should not right to compare Sarah G to her kasi infairness magkaiba sila ng genre na kinakanta. The one is total performer, i mean she can sing and dance and rock ASAP to death. While Angeline can go to her birit songs. Si Sarah hindi biritera but she can hit high notes as well. She made her way up already and she is too high to be pull down by anybody. Lets give other new singers a chance too but honestly Sarah G is still the best among them. Prove me wrong.Not until mapuno nila Araneta without much guest like she did, not until mag box office queen sila, not until top product endorser sila, not until quadruple/quintuple platinum na sila =) Sarah is Sarah. Angeline is Angeline so dont compare the two dahil same kapamilya and sing diff genre PLUS dont forget that Sarah is already soaring so high. Like Piolo said at ASAP she is the one and ONY POP SUPERSTAR: YOUTUBE, watch her birthday performance.

  4. Hahaha right. tama ka. Walang manggagaya na sumisikat ng husto. Copy cat ba? Aanhin mo ang isang Regine V kung nandyan pa si Regine di ba? Hahaha common sense. Buti pa si Marcelito may sariling style. Kung biritan lang pala labanan kay Marcelito pa lang talo na sya. Pero hindi yan ang labanan eh. Piolo nga na hindi mataas ang boses nag tripple platinum ang album. sana sariling style yan. Pustahan pa tayo hindi magtatagal sa limelight mga gaya gaya.

  5. Hehehe hehehe hehehe yan lang masasabi ko. Natatawa ako hahahaha hahahaha. one on one nga muna sila ni Marcelito oh pwede? Hahahaha.

  6. Hindi kaya. Kasi kaya din naman bumirit ni Sarah, sabayan nya kaya muna ang sing and dance ni sarah hahaha kaya nya kaya? Krrrkkkk… Patay hindi nya kaya

  7. Hehe i doubt it. Birit lang yan. Pls dont compare Sarah G to her. Nakakaloka naman. Ang layo na narating ni SARAH G para i compare lang sa angeline na yan. who is that anyway? Hahaha

  8. Angeline? Who is that? Sino nauna? Angeline or Marcelito? Kasi I’ve heard about Marcelito but not anything about Angeline.

  9. Para sa akin, Sarah G is still the best. Incomparable. Total performer. ang nag iisang Sarah G. Walang ere sa katawan ng bata. Kung ano sya nun ganun pa rin sya hanggang ngayon kahit gaano na kayo narating nya. I love you Sarah. From Australia.

  10. hay naku maganda nga ang boses nito kaso super manggaya not only the voice pati looks ni regine even mannerism pa, pati kung paano kantahin ang song talagang pinaparis nya, kaya wala ring kwenta dapat matuto syang maghanap ng orginality nya dahil kung hindi hanggang hangga ang sasabihin lang ng mga tao na sya ang kamukha ng boses ni regine, great imitator sya, promise COPY CAT talaga kahit buhok pati features ng face, ano ba yan, makikita mo naman na pangit sya nun, magpaparetoke lang eh bakit kailangan pang manggaya sus maria! walang kwenta! kung ako si regine maooffend ako ng super duper. di sya tatagal, bigla lang syang mawawala kasi wala syang originality, para syang bakla na manggagaya lang sa idol nya, kung gagayahin mo idol mo magkaroon ka ng sarili mong iyo wag kang manggaya, title na dapat ibigay dito COPY CAT performer, ginagamit lang sya ng ABS CBN sayang ang boses nya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Mind Master Nomer Lasala returns for more mentalism acts

Heart Evangelista, nagsalita na tungkol sa naging sigalot kay Marian Rivera