Kilalanin simula nga­yong gabi ang bagong best friend ng bayan na si Bangis — isang dambuhala ngunit mapagmahal na prehistoric creature. Hindi man pangkaraniwang nilalang, pihadong mapapamahal ka naman sa kabutihan at busilak na puso ng matalik na kaibigan na ito ng batang si Eboy, na gagam­panan ng bagong child actor na si BJ Go.

Inaasahang magtuturo ng magandang aral sa mga bata at sa buong pamilya ang higante-seryeng ito ng TV5, tulad ng pagmamahal sa ala­gang hayop, sa kaibigan at sa kalikasan.

Samahan sina Eboy at Bangis sa kanilang pakikipagsapalaran sa gubat habang sinusubu­kang malampasan ang mga pagsubok na dulot ng masasamang taong nais sirain ang kanilang pagkakaibigan. Si Anjo Yllana ang magbibi­gay-boses sa karakter ni ­Bangis.

Share