Lalo pang mapapansin ngayon ang galing at kahusayang ng Tween Hearts member na si Bea Binene dahil siya na ang susunod na bibigyan ng malaking project after Louise delos Reyes.
Tuloy na tuloy na raw ang pagbibida ni Bea sa isang family drama na may title na “Pahiram ng Isang Ina”, Inaasahang magsisimula na ang taping nito next month kaya siguradong magiging busy itong si Bea hindi lang sa promotion ng TweenHearts movie nila kundi pati na rin sa mga series of workshops para sa bago niyang serye sa GMA7.
Si Jake Vargas pa rin daw ang magiging kaloveteam niya rito na kasama pa rin niya ngayon sa TweenHearts at Captain Barbell.