Balik sa pagiging mabait at inaaping role si Marvin Agustin sa bago niyang Telebabad series na “Iglot” kasama ang mga ex-Kapamilyas na sina Patrick Garcia, Pauleen Luna, Luis Alandy, Jolina Magdangal at Claudine Barreto. Pinakahuli kasi niyang serye ay ang “Beauty Queen” kung saan sobrang sama ng ugali niya at nang-aapi siya.
Muli ring makikitang mag-aararo at lulusob sa putik si Marvin dahil mahirap ang role niya sa seryeng ito kaya dapat ninyong pakaabangan. Sa August 29, ang grand premiere ng Iglot after 24 Oras.