Kahapon ang naging presscon ng kauna-unahang danserye ng GMA7 na “Time of My Life”. Kumpleto ang cast nito na halatang excited na sa magiging kalalabasan nito.
Isa si Sarah Lahbati samga cast nito na from bida ay mukhang magiging kontrabida ang role. For sure na medyo magiging challenging ito sa kanya since medyo maamo ang mukha niya kung papano niya gagawing hindi kagandahan ang ugali.
Hindi naman naitanggi ni Sarah Lahbati sa isang interview na may manliligaw siya ngayon at ito nga ay isang taga-ABS-CBN. Masugid talaga itong manliligaw at mukha namang pepwede. For now, hindi pa napapangalanan kung sino ito pero ito din ay cast ng danserye ng ABS-CBN. Good vibes na lang daw!

