in

Survivor Philippines : Celebrity Edition Season 2, kasado na ngayong October!

Kasado na raw ngayong October ang pagsisimula ng taping ng pangalawang season ng Survivor Philippines : Celebrity Edition kung saan si Richard Gutierrez ang host.

Matatapos na ang Captan Barbell next week kaya paghahandaan naman ni Richard ang Survivor Philippines kung saan kahit siya ay dapat ay fit din para sa nasabing reality show. Nakatakda siyang lumipad papuntang Los Angeles para sumali sa mga strenous sports para maging handa rin siya sa mga challenge ng susunod niyang show.

Magiging kaabang-abang din daw talaga ang ang season na ito dahil sa kakaibang twist na isinet na ng pamunuan nito. Isa pa sa mga pakakaabangan ay ang mga celebrities na naging interesado at napili para sa show na ito.



Share

Comments



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Andres de Saya, naglast taping na nga ba?

Maria Aragon, magiging bagong Kapamilya na!