Ang dalawang naging FHM’s sexiestna si Angel Locsin at Sam Pinto ang napipisil na gumanap sa bagong Angela Markado. Una nang napabalitang si Katrina Halili ang gaganap dito pero hindi na natuloy sa hindi pa alam na dahilan.
Si Sam Pinto ang orihinal na napipisil talaga ng Viva Films para gumanap pero may nag-suggest na kung bakit hindi na lang si Angel Locsin ang kunin for Angela Markado na isa sa mga nobela ni Direk Carlo na nabili ng Viva.
Si Carlo Caparas ang may-akda nito sa Komiks at si Hilda Koronel ang kauna-unahang nagsabuhay kay Angela Markado na nagmarka sa mga nakapanood na ng pelikulang ito.

