Nalalapit na ang pagpapalabas sa telebisyon ng kauna-unahang telefantasya ni Claudine Barreto sa GMA7. Ito nga ay ang “Iglot” kung saan makakasama niya ang mga e-Kapamilya stars.
Hindi matatawaran talaga ang galing ng isang Optimum Superstar na si Claudine na talagang hinangaan na sa kanyang angking galing sa pag-arte hindi lang sa telebisyon kundi pati sa movies.
Marami na ang pumuri sa kanyang galing sa pag-arte pero hindi pa rin siya tumitigil na lalong pag-ibayuhin pa ang kanyang galing. Habang wala pa siyang trabaho at pinaghahandaan ang kanyang susunod na project sa GMA7 ay nag-enroll siya sa isang acting workshop under Beverly Vergel. Mali ang haka-haka na naka-confine siya sa rehabilitation center. Naging busy si Claudine sa workshop noong panahon na natsitsismis siya.

