Kristoffer Martin at Joyce Ching, mag-on na?

Marami na ang nakakapansin sa kakaibang closeness nina Kristoffer Martin at Joyce Ching lalong lalo na sa naging episode ng Party Pilipinas noong Linggo. Kumalat din ang pictures nila sa taping ng Munting Heredera kung saan sobrang sweet ng dalawa sa picture.

Mariing itinanggi naman ito ni Joyce sa isang interview sa kanya. Marami kasi ang nakakapansin na may identical watch ang dalawa na sign daw ng pagiging mag-on ng mga ito, na mariin namang pinabulaanan ng Tsinitang young star.

Ayon kay Joyce, regalo n’ya raw ‘yun kay Tun-Tun (tawag nito sa binata) noong 2010 Christmas, at wala raw ibig sabihin ng pagkakapareho nila ng watch. Nakatuwaan lang daw nito na magkaroon sila ni Kristoffer ng parehong relo na kanilang sinusuot ‘pag magkasama.



Share

Comments



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Junior MasterChef Pinoy Edition Host & Chefs

Glaiza de Castro, hindi ininda ang sakit makapagperform lang sa Party Pilipinas