Binibigyan na lang pala ng Starstruck winner na si Steven Silva ang kanyang sarili ng dalawang taong palugit kung aangat pa ang career nito o hindi.
Kung hindi raw aangat ang career nito ay babalik na lamang ito sa Amerika. Hanggang ngayon kasi ay medyo hirap pa rin si Steven na magsalita ng tagalog. Kung naging isa siya sa mga lead ng “Koreana”, ngayon ay supporting na lang siya ng mga kasabayan niya.
Pero kahit papaano naman ay nakitaan na siya ng galing sa pag-arte at lalong-lalo na sa pagsayaw. Dati-rati’y isa siya sa mga weakest sa Sayaw Pilipinas segment ng Party Pilipinas, ngayo’y isa na siya sa mga kinagigiliwan doon.

