Close Menu
  • Home
  • News
  • Tech Jungle
  • RAWRMag
  • BIZnest
  • Brands
  • About
    • BE PART OF THE LIONHEARTV FAMILY!
    • THE PRIDE
    • ADVERTISE AT LIONHEARTV
What's Hot

Javi Benitez says Sue Ramirez and Dominic Roque could be ‘Endgame’

May 24, 2026

JBL Celebrates 80 Years of Powering Voices with New Audio Innovations and a Full-Day Audio Playground

May 24, 2026

Joel Reglos Revisits the Architecture of Faith and Form in 5th Solo Exhibition, ‘Reminiscence’

May 24, 2026
Facebook X (Twitter) Instagram
Facebook X (Twitter) Instagram YouTube TikTok
LionhearTVLionhearTV
  • Home
  • News
  • Tech Jungle
  • RAWRMag
  • BIZnest
  • Brands
  • About
    • BE PART OF THE LIONHEARTV FAMILY!
    • THE PRIDE
    • ADVERTISE AT LIONHEARTV
LionhearTVLionhearTV
Home»Uncategorized»“T3: Kapatid, Sagot Kita!” ang bagong takbuhan ng taumbayan kasama ang tatlong Tulfo brothers
Uncategorized

“T3: Kapatid, Sagot Kita!” ang bagong takbuhan ng taumbayan kasama ang tatlong Tulfo brothers

Mc Richard PaglicawanBy Mc Richard PaglicawanSeptember 4, 20112 Comments3 Mins Read
Share
Facebook Twitter Reddit Pinterest Email



Lalo pang iaangat ng NEWS5 (TV5 News and Information Division) ang antas ng paghahatid-tulong at serbisyo sa mga Pilipino sa pagsisimula ng bagong programa nitong “T3: Kapatid, Sagot Kita!” kasama ang pinangingilagang magkakapatid sa larangan ng pamamahayag—sina Raffy, Ben at Erwin Tulfo— simula Setyembre 5 (Lunes) bago mag-AKSYON Prime sa TV5.

Panig sa mga naaapi at galit sa mga nang-aapi, magsasanib-pwersa ang Tulfo brothers para ihatid ang bagong takbuhan ng taumbayan, ang “T3: Kapatid, Sagot Kita!” Sina Raffy, Ben at Erwin ang magsisilbing tinig at kakampi ng mamamayan laban sa katiwalian, kalokohan at kasamaan ng mga mapang-abusong indibidwal at tiwaling gawain ng iba’t ibang sangay ng gobyerno.

“Bawat araw dinadagsa ang public service unit natin ng mga reklamo mula sa mga kababayan nating naging biktima ng iba’t ibang pang-aabuso. Nakakarinig din tayo ng mga kwento tungkol sa mga kababaihan at kabataang minamaltrato. At mahigit isang taon matapos tayong magluklok ng mga bagong tao sa gobyerno, talamak pa rin ang mga sumbong sa mga opisyales na hindi tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin. Mahirap ipagwalang-bahala ang mga ganitong sakit ng lipunan. Kailangang kalampagin ang mga may-sala at tulungan ang mga kababayan nating walang-wala,” ayon kay Luchi Cruz-Valdes, hepe ng NEWS5, hinggil sa T3.

“Ikinararangal naming ihandog sa publiko ang T3 kahanay ng mga programa ng NEWS5 na naghahatid ng, higit sa balita, serbisyo at aksyon. May bago nang sumbungan ang mamamayan,” ayon pa sa pinuno ng TV5 News and Information Division.

Maghahandog ang programa ng mga segment na sasapul sa pangangailangan ng publiko.

Ben Tulfo

Erwin Tulfo

Raffy Tulfo

Bagamat daang matuwid ang nais tahakin ng administrasyon ni Pangulong Aquino, tila bali-balikong daan pa rin ang pinipiling puntahan ng mga tiwaling opisyales. Pananagutin ng Action Man ng Bayan na si Erwin Tulfo ang mga kurap at tutulog-tulog sa pwesto sa “Ambush.”

Samantala, dahil sa kaliwa’t kanang krimen sa lansangan, mas nagiging mapanganib na para sa publiko ang Metro Manila at iba pang siyudad sa bansa. Mahuhulog sa bitag ng batas ang mga kawatan sa “Modus” kasama si Ben Tulfo. Bukod sa babala, ibibisto rin ni Ben ang mga raket ng mga mapang-abuso at ituturo ang mga pamamaraan kung paano makakaiwas ang publiko sa mga raket at modus operandi.

Karaniwan ng walang kalaban-laban sa mga abusado ang kababaihan at kabataan. Ang Utol ng Bayan na Si Raffy Tulfo ang magbibigay ng agarang aksyon sa mga problema ng pang-aapi at pang-aabuso sa kahinaan ng mga babae at bata sa “Resbak.”

Aaksyunan din ang mabagal na pag-proseso ng mga dokumento at mga ipinagkakait na benepisyo sa “Kapatid, Sagot Kita” habang magbibigay-daan naman upang maibalik sa kani-kanilang pamilya ang mga taong nawawala sa “Missing.” Pararangalan naman ang mga tapat at mga opisyal na dedikado sa trabaho sa “Saludo.”

Huwag palalampasin ang pinakamatapang na public service program sa telebisyon, simula na ngayong Lunes (Setyembre 5) bago mag-AKSYON Prime sa TV5.

Share

Comments

Aksyon Ben Tulfo Erwin Tulfo Kapatid Sagot Kita Raffy Tulfo
Share. Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Reddit Email
Previous ArticleTulfo brothers at your service in new groundbreaking show “T3: Kapatid, Sagot Kita!”
Next Article Isabel Daza, nilinaw ang isyu na mawawala na siya sa Manny Many Prizes!
Mc Richard Paglicawan
  • Website
  • Facebook
  • X (Twitter)
  • Instagram

LionhearTV has always believed in what the everyday reader can contribute, and has always been open to receiving input, help, or leads on stories.

Related Posts

Baste Duterte, Raffy Tulfo, and Vico Sotto Lead Latest Voting Preference Survey — Arkipelago Analytics

April 7, 2026

Is ‘Gandang Gabi, Vice’ set for a comeback? Vice Ganda teases possible return

January 14, 2026

Mon Tulfo dismisses rumors linking Sen. Raffy Tulfo to indecent proposal: ‘Eh, ano ngayon kung nambabae siya?’

December 9, 2025

Diwata seeks justice after wrongful arrest by Mandaluyong Police

October 12, 2025
View 2 Comments

2 Comments



  1. joyce on January 27, 2014 8:09 am

    Gud pm po….ako. po c joy barroa of sampaloc manila.sir hingi po sna ako ng tulong sa inyo kc po yong dati kong pinapasukanng trabaho puro paasa po ung gnagawa nila sa backpay nmin halos mg isang taon na po pg-aantay nmin hanggang ngayon wala prin.6month pregnant po ako now kya inaasahan ko po tlga ang perang un na pinaghirapan ko dn nmn po.sna po matulungan nyo ko sa problema ito.raffco int’ltrading corp./plains&prints po ung company.contact no.po 372-61-90 to 93.antayin ko po ang inyong sagot.maraming salamat po.

    Reply
  2. ronald taligbabaw on June 12, 2015 4:45 am

    gud pm po mga sir, hihingi po sana ako ng tulong tungkol po sa dati kung security agency ito po ang asegco security agency sa kadahilanan po na isang taon pong hindi nila hinuhulogan ang aking sss nung nag reklamo po ako sa kanila puro lang po sila pa asa ng pa asa gusto ko po sanang ma reklamo sila para ma tigil na ang kanilang pananamantala sa kanilang mga security guard ito po ang kanilang contact # 454-55-39 sana po ay ma actionan nyu po agad ito para matigil na cla at masarado ang agency na ito….. maraming salamat po…

    Reply
Leave A Reply Cancel Reply

Find us on Facebook
Blogmeter.Top



Trending

SILOG Awards 2026 returns to honor Filipino online creators and digital mavericks

May 13, 2026

Lion With A Heart Year 9, from acts of giving to sustainable impact

April 28, 2026

LionhearTV continues to grow: Strengthening BIZNest, Tech Jungle, and RAWRTrip for 2026

February 14, 2026

15 Adored PH Celebrity Loveteams That Eventually Parted Ways

February 2, 2026

25 Best Teleseryes of 2025

January 14, 2026
Showbiz News

Javi Benitez says Sue Ramirez and Dominic Roque could be ‘Endgame’

May 24, 2026

‘Sang’gre’ reigns supreme until its finale episode

May 24, 2026

Jack Daniel’s on-stage mixtape creates a night of unscripted music, creative collaboration, and immersive nightlife energy

May 22, 2026

TikTok Shop Unlad Lokal opens new digital opportunities for Pasig MSMEs and young entrepreneurs

May 22, 2026

Cristine Reyes announces engagement to Gio Tingson

May 22, 2026
Most Viewed

Javi Benitez says Sue Ramirez and Dominic Roque could be ‘Endgame’

May 24, 2026

JBL Celebrates 80 Years of Powering Voices with New Audio Innovations and a Full-Day Audio Playground

May 24, 2026

Joel Reglos Revisits the Architecture of Faith and Form in 5th Solo Exhibition, ‘Reminiscence’

May 24, 2026

vivo launches Php 149k flagship, here’s why it’s worth it

May 24, 2026

Earbuds That Think: Anker unveils the soundcore Liberty 5 Pro Series with Anker’s First Neural-Net Chip

May 24, 2026
eMVP Digital is an online empire that useful pieces of information and a resource for a daily dose of entertainment in all forms. It produces LionhearTV.net, Dailypedia.net, RAWR Awards, RAWRMag, DailyPIPOL, and Broken Lion. These platforms have a highly-engaged audience per month, which varies from ages and sexes.



Blogmeter.Top
© 2026 LionhearTV.net.
  • Home
  • News
  • Tech Jungle
  • RAWRMag
  • BIZnest
  • Brands
  • About
    • BE PART OF THE LIONHEARTV FAMILY!
    • THE PRIDE
    • ADVERTISE AT LIONHEARTV

Type above and press Enter to search. Press Esc to cancel.