JM de Guzman abducts his own son in ”Angelito: Batang Ama”

Para huwag mawalay sa anak na si Jun-Jun (Joshen Bernardo), ipapasakamay ni Angelito (JM De Guzman) ang batas at magagawang kidnapin ang sariling anak para lang hindi ito makuha ng inang si Rosalie (Charee Pineda) sa ”Angelito: Batang Ama.”

Matapos kumonsulta sa abogado, tuluyan na ngang naging desperado si Angelito lalo pa nang sabihin nito sa kanya na mas may laban si Rosalie sa kaso kaysa sa kanya. Mas lalo pang tumindi ang emosyon nang pormal niyang nakuha ang subpoena na nag-uutos sa kanya na dumalo sa isang hearing.

Huli na nang malaman ng lahat ang ginawa ni Angelito at lahat sila ay walang ideya kung saan nagpunta ang mag-ama. Saan nga ba dadalhin ni Angelito si Jun-Jun? Magagawa ba ni Rosalie na magsampa ng kaso ng kidnapping sa mismong ama ng kanyang anak?


Tech Jungle: VIVO V17 PRO Review


Walang bibitiw sa pinag-uusapang serye tuwing hapon, ang “Angelito: Batang Ama,” 3:15 PM pagkatapos ng “Mundo Man ay Magunaw” sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Sundan ang programa sa Twitter via @Batang_Ama, Facebook (www.facebook.com/AngelitoBatangAma), at YouTube (www.youtube.com/AngelitoBatangAma). I-tweet na ang inyong mga opinion, saloobin, at suhestiyon gamit ang hashtag na #AngelitoBatangAma.

Share

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

Written by Mc Richard Paglicawan

LionhearTV has always believed in what the everyday reader can contribute, and has always been open to receiving input, help, or leads on stories.

Which Whitney Houston tribute did you like more? “ASAP 2012” or “Party Pilipinas?”

Broadcaster Ces Drilon and designer Renato Vidal let us in their homes on “Metro Home & Entertainment”