Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang magiging romantic ka ngayong araw kaya naman hindi maiiwasang maging malambing ka sa mga taong nakapaligid sa iyo.
Love:
Singles: Kung meron kang ex, merong chance na magkabalikan kayo. Pag-isipan mo muna itong mabuti lalo na kung sa tingin mo ay nagbago na siya.
Money/Career:
Kung gusto mong umalis na sa isang partnership, gawin mo ito kaagad para naman magkaroon ka na ng oras para sa mga bagay na gusto mong gawin.
Lucky color: Grey
Lucky number: 14
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung nahihirapan kang ayusin ang isang bagay, subukan mong isipin kung paano ito nagsimula at doon ka humanap ng solusyon.
Love:
Singles: May malaking posibilidad na makita mo na ang iyong future partner malapit sa simbahan.
Couples: Kung masyado na kayong stressed sa inyong relasyon, marahil kailangan ninyo lang ng space para makapagrelax kayo.
Money/Career:
Kailangan mong i-retain ang iyong pagiging cool sa loob ng office kung sakaling may problema man na mangyari.
Lucky color: Orange
Lucky number: 18
Gemini (May 21 – Jun 20)
Magiging active ang iyong isipan ngayong araw. Maaaring may maisip ka na ideya kung saan kikita ka ng malaki.
Love:
Singles: Kung hanggang ngayon ay hindi ka pa rin napapansin ng iyong crush, marahil ay panahon na para magmove on sa kanya at huwag na sayangin pa mang iyong oras sa kanya.
Money/Career:
May minor problems na maaaring dumating sa iyong trabaho ngayong araw pero magagawa mo namang solusyunan ang mga ito.
Lucky color: Brown
Lucky number: 15
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Magagawa mo na tapusin ang isang proyekto na matagal na nakapending at walang bagay ang makakapigil sa iyo para rito.
Love:
Couples: Maaaring mairita ka sa mga ikikilos ng iyong partner. Kaya naman sabihin mo ito sa kanya para naman aware siya sa ginagawa niya.
Money/Career:
Kahit na kaya mo naman ang iyong trabaho, minsan talaga ay napapagod ka rin lalo na kung paulit-ulit na lang ang ginagawa mo araw-araw.
Lucky color: White
Lucky number: 6
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Maaaring may dumating na problema sa iyo ngayong araw. Pero huwag mag-alala dahil magagawa mo namang makaisip ng solusyon para rito.
Love:
Couples: Maaaring may makita kang tao na sa tingin mo ay mas nakahihigit sa iyong partner. Mas mabuting umiwas na lang sa kanya at manatiling faithful sa iyong partner.
Money/Career:
Kahit na nasa trabaho ka, mukhang wala ka sa mood at mas gusto mo na manatili na lamang sa bahay.
Lucky color: Brown
Lucky number: 8
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kailangan mo maging seryoso sa iyong trabaho ngayong araw. Ito na ang pagkakataon mo para magpa-impress sa iyong mga boss.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong mag-alala sa magiging status ng inyong relasyon sa hinaharap. Hindi naman dapat madaliin ang mga bagay-bagay.
Money/Career:
Gamitin mo ang iyong mga natutunan para solusyunan ang isang problema na mangyayari sa iyong trabaho.
Lucky color: Black
Lucky number: 18
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung nalilito ka kung anong desisyon ang dapat mong piliin, mas mabuti kung aasa ka sa iyong nararamdaman para hindi masyadong sumama ang iyong loob.
Love:
Couples: Magiging demanding ka ngayong araw at gugustuhin mo na lambingin ka ng iyong partner lalo na kung naging busy siya sa kanyang trabaho kamakailan.
Money/Career:
May pagbabago na mangyayari sa iyong career. Pero huwag mag-alala dahil sure naman na ieenjoy mo ito.
Lucky color: White
Lucky number: 10
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Okay lang na gumala ka pero dapat ay tapusin mo muna ang iyong mga gawain. Kailangan mong magkaroon ng sense of responsibility.
Love:
Couples: Kailangan mong maging maunawain sa iyong partner ngayong araw lalo na kung palagi na lang siyang stressed kamakailan.
Money/Career:
Gamitin mo ang iyong mga natutunan para solusyunan ang isang problema na darating sa iyong trabaho.
Lucky color: Purple
Lucky number: 17
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang nagbago ka na nga. Nakikinig ka na sa ibang tao nang mabuti at mukhang hindi ka na rin masyadong pasaway sa kanila.
Love:
Couples: Alam natin na kahit nagmamahalan kayo, kailangan pa rin na nag-eeffort kayo para magtagal ang inyong relasyon.
Money/Career:
Maaaring maging boring sa iyong trabaho, pero kailangan mo pa rin itong gawin lalo na kung gusto mo ma-promote balang araw.
Lucky color: Green
Lucky number: 15
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kailangan mo na lumabas sa iyong comfort zone. Kahit na mukhang nakakatakot ito, makakabuti naman ito para ma-improve mo ang iyong sarili.
Love:
Couples: Kung nagkaroon kayo ng pag-aaway ng iyong partner, mukhang matatapos na ito ngayong araw kaya naman pilitin ninyo na hindi na ito muling mangyayari.
Money/Career:
Kung naguguluhan ka na sa takbo ng iyong career, humingi ka ng payo mula sa isang professional para hindi ka na mahirapan pang mag-isip ng gagawin.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 18
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
I-maintain mo ang iyong positive attitude at magagawa mong mag-isip nang mabuti at may malaking chance na masolusyunan mo ang mga problema mo sa ngayon.
Love:
Couples: Huwag mong hayaang maimpluwensiyahan ng ibang tao ang mga desisyon mo sa inyong relasyon. Maaaring ginugulo ka lang niya para masira kayo.
Money/Career:
Mas mabuting sumunod na lamang sa mga iuutos sa iyo para hindi na lumala pa ang problema.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 12
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Maaaring maapektuhan ang iyong kalusugan lalo na kung hindi ka kumakain ng tama. Subukan mong mag-exercise para na rin gumaan ang iyong pakiramdam.
Love:
Couples: Mukhang kuntento ka naman sa status ng inyong relasyon. Subukan mong asarin ang iyong partner para makita mo kung paano siya mainis.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtravel ang trabaho.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 6