Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung hindi ka naman masaya sa iyong ginagawa, hindi mo maiisip na pwede kang magtagal sa ganoong mga gawain.
Love:
Singles: Magaling kang makipagflirst sa iba. Pero tandaan mo na walang taong seseryoso sa iyo kung lagi mo itong ginagawa.
Money/Career:
Mukhang may chance na gumastos ka ngayong araw. Kaya naman bawas-bawasan mo ito kahit papaano.
Lucky color: Cream
Lucky number: 14
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang mahihirapan kang gumawa ng desisyon ngayong araw. Kaya naman kung kaya mo itong ipagpaliban, gawin mo ito.
Love:
Couples: Mahihirapan kang i-manage ang iyong oras sa trabaho lalo na kung mag-eentertain ka pa ng ibang tao.
Money/Career:
Mukhang may chance na matapos mo ang iyong mga pending na gawain sa mga susunod na araw.
Lucky color: Orange
Lucky number: 18
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang magiging busy ka ngayong araw. Kaya naman subukan mong unahin ang mga bagay na madali gawin para naman mamaximize mo ang iyong oras.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para i-treat mo ang iyong partner. Yayain mo siyang kumain sa kanyang paboritong restaurant.
Money/Career:
Kung nagkaroon ka ng exam kamakailan, may malaking chance na pumabor sa iyo ang resulta nito.
Lucky color: Cream
Lucky number: 15
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung hindi mo na naman ginagamit ang isang bagay, mas mabuti kung ibibigay mo na lang ito sa iba o kaya’y ibenta mo na lang.
Love:
Singles: Hindi porke marami kayong pagkakapareho ay kayo na ang nakatadhana para sa isa’t-isa. Masyado pang maaga para sabihin iyon.
Money/Career:
Kung hindi ka sigurado sa dapat mong gawin, magtanong ka sa mga kakilala mo at hingin mo ang kanilang opinyon.
Lucky color: Green
Lucky number: 6
Leo (Jul 23 – Aug 22)
May taong idadamay ka sa kanilang problema. Kaya naman kung wala kang kinalaman dito, mas mabuting huwag ka na makitsismis pa.
Love:
Couples: Ingatan mo ang iyong temper dahil mabilis pa naman uminit ang iyong ulo. Kaya naman hindi malabong may awayin ka ngayong araw.
Money/Career:
Magiging magulo ngayon ang iyong isipan kaya mas mabuting huwag ka muna gumawa ng major decisions ngayong araw.
Lucky color: White
Lucky number: 8
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung nahihirapan kang solusyunan ang isang problema, isipin mong mabuti kung paano ito nagsimula at doon ka humanap ng sagot.
Love:
Couples: May chance na makaapekto ang stress na dulot ng iyong trabaho sa inyong relasyon. Iwasan mo itong mangyari kahit papaano.
Money/Career:
May mga problema na talagang lilitaw sa iyong trabaho, pero kaya mo namang i-handle ang mga ito.
Lucky color: Green
Lucky number: 18
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag mong madaliin ang iyong mga gawain. Kung gagawin mo ito, mas malaki ang chance na magkamali ka sa mga ito.
Love:
Couples: Maging diretso ka sa iyong partner. Huwag ka na magpaligoy-ligoy pa dahil hindi ka naman niya makukuha.
Money/Career:
Kung hindi ka na masaya sa iyong trabaho, marahil ay panahon na para lisanin mo ito.
Lucky color: Purple
Lucky number: 10
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Magiging demanding ang araw na ito. Kaya naman hindi mo magagawang ipasa sa ibang tao ang mga gawain na ikaw dapat ang umasikaso.
Love:
Singles: Mukhang may tao kang magugustuhan sa araw na ito, kaya naman dumiskarte ka na kung paano kayo magkikita ng marami pang beses kada linggo.
Money/Career:
Mas mabuting simulan mo na ang paggawa sa isang proyekto na natigil at hindi mo pa natatapos.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 17
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung ikaw ay isang artist, mukhang mas magiging creative ka ngayong araw dahil may chance na maging inspired ka.
Love:
Singles: Mukhang marerealize mo na rin na nahuhulog ka na sa isang tao. Kaya dapat dumiskarte ka na bago ka pa maunahan ng iba.
Money/Career:
Kung feeling mo ay deserve mo ang isang promotion, sabihin mo ito sa iyong boss sa lalong madaling panahon.
Lucky color: Red
Lucky number: 15
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Maganda ang araw na ito para ipakita mo sa iba ang iyong talento. Maaaring mapabilib mo sila at tiyak na dadami ang iyong mga tagahanga.
Love:
Singles and Couples: Ilaan mo ang araw na ito para makasama mo ang iyong pamilya. Yayain mo silang mamasyal sa mga paborito nilang pasyalan.
Money/Career:
May chance na malugi ka sa isang investment. Kaya naman ipagpaliban mo muna ang pagdedesisyon mo tungkol dito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 18
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Galingan mo lang magsalita at magagawa mong i-convince ang mga tao na umayon at sumoporta sa iyong mga opinyon.
Love:
Singles: Mukhang ito na ang tamang panahon para ikaw ay magkaroon ng love life.
Couples: Kailangan mo na magdesisyon kung gusto mo pa ipagpatuloy ang inyong relasyon o dapat na itong itigil na lang.
Money/Career:
Mag-ingat ka dahil may sikreto ka na maaaring masabi ngayong araw na ikakapahamak mo.
Lucky color: Black
Lucky number: 12
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung hindi mo aayusin ang iyong mga problema nang maaga, mahihirapan kang solusyunan ang mga ito lalo na kung ang mga ito’y lumaki na.
Love:
Couples: Maaaring magkaroon ng complication sa iyong love life ngayong araw, at maaaring may kinalaman dito ang iyong kapatid.
Money/Career:
Huwag ka masyadong seryoso sa iyong trabaho. Kailangan mong tumawa paminsan-minsan at i-relax ang iyong isip.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 6