Aries (Mar 21 – Apr 19)
May chance na merong i-share na secret ang iyong best friend sa iyo. Kaya naman gawin mo ang lahat para huwag itong ipagkalat sa iba.
Love:
Couples: Kung merong kayong event na pupuntahan, mas mabuti kung hindi na lang sumipot dito kung hindi naman ito gaanong kaimportante.
Money/Career:
Kung masyadong malayo ang iyong pinagtatrabahuan sa iyong bahay, malaki ang chance na sa pamasahe pa lang ay lugi ka na.
Lucky color: Rose
Lucky number: 8
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag ka muna magpapautang ng pera sa kahit kanino ngayong araw dahil may malaking chance na hindi niya ito bayaran sa iyo.
Love:
Couples: Kung handa na kayo ng iyong partner na i-level up na ang inyong relasyon, gawin na ninyo ito.
Money/Career:
May chance na tulungan ka ng isa mong kaklase ngayong araw tungkol sa iyong problema.
Lucky color: Pink
Lucky number: 16
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung nagpromise ka sa isang tao na pupunta ka sa isang lugar kasama siya, gawin mo ang lahat para tuparin ito.
Love:
Singles: Huwag mo na pilitin ang isang tao na wala namang pagtingin sa iyo. Ikaw lang ang magmumukhang kawawa sa huli.
Money/Career:
Mukhang may pagbabago na darating sa iyong career at may chance na maging masaya ka tungkol dito.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 24
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang maganda ang araw na ito para gawin ang isang bagay kung saan ka nahihirapan. I-challenge mo ang iyong sarili para tapusin ito.
Love:
Singles: May malaking chance na mahulog ang loob mo sa isang foreigner. Kaya naman palawakin mo na ang vocabulary mo simula ngayon.
Money/Career:
Maaaring may tulungan kang tao ngayong araw na magkaroon ng trabaho.
Lucky color: Brown
Lucky number: 5
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Maaaring may makuha kang pera ngayong araw. Pero hinay-hinay lang sa paggastos at baka maubos mo ito lahat.
Love:
Couples: May point ang iyong partner kaya naman huwag ka na makipagmatigasan sa kanya. Sundin mo na lang ang sinasabi niya.
Money/Career:
Maaaring mawala ang iyong focus sa iyong trabaho ngayong araw kaya naman mapapagalitan ka ng iyong boss.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 5
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung meron kang naisip na idea, huwag mo muna itong ipagsabi sa iba dahil may malaking chance na unahan ka nila rito.
Love:
Singles: Mas makakabuti sa iyo kung uunahin mo muna ang sarili mo kaysa sa ibang tao ngayong araw.
Money/Career:
Maging consistent ka lamang sa iyong trabaho at hindi malayong maging successful ka sa iyong napiling career.
Lucky color: Orange
Lucky number: 23
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang magiging masayahin ka buong araw, kaya naman mapapansin ito ng ibang tao at iisipin na blooming ka.
Love:
Couples: Mas mabuting itigil na ang inyong relasyon kung lagi na lang kayong nag-aaway. Huwag manghinayang lalo na kung matagal na kayong
nagsasama.
Money/Career:
Kung hindi sapat ang iyong kinikita, marahil ay panahon na para maghanap ka ng pangalawang trabaho.
Lucky color: Red
Lucky number: 17
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Maaaring maguluhan ka ngayong araw. Pero huwag kang mag-alala dahil may taong gagabay sa iyo para maging maayos ang lahat.
Love:
Singles: Huwag ka mawalan ng pag-asa. Darating din ang panahon kung saan magiging masaya ka sa iyong buhay.
Money/Career:
Huwag kang mandaya sa iyong trabaho para lang masabi mong natapos mo na ang iyong mga gawain.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 20
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag kang masyadong mag-alala sa isang bagay lalo na kung wala ka naman talagang dapat alalahanin tungkol dito.
Love:
Couples: Maging sensitive ka sa ibang tao lalo na sa iyong partner. Marahil ay wala lang iyon para sa iyo pero malaki ang impact naman nito sa iyong partner.
Money/Career:
Bawas-bawasan mo muna ang iyong paggastos ngayong araw. Kung meron kang gustong bilhin, ipagpaliban mo muna ito.
Lucky color: Brown
Lucky number: 25
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Hinay-hinay lang sa pagkain at malaki ang chance na masira ang tiyan mo ngayong araw. Mas mabuti na maging safe than sorry.
Love:
Couples: Subukan mong kulitin ang iyong partner ngayong araw at pagmasdan mo kung paano siya magalit.
Money/Career:
Gawin mo ang isang bagay kung makakatulong ito para gumaan ang iyong loob.
Lucky color: Green
Lucky number: 12
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mag-ingat ka sa iyong pwedeng masabi ngayong araw dahil may chance na may masabi kang sikreto sa ibang tao.
Love:
Couples: Kung may gustong gawin ang iyong partner, hayaan mo lang siya lalo na kung alam naman niya ang kanyang ginagawa.
Money/Career:
Paganahin mo ang iyong common sense sa iyong trabaho.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 16
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kahit na maganda naman ang suggestions mo, hindi ito pakikinggan ng ibang tao kaya naman mas mabuting huwag ka na magsayang ng oras dito.
Love:
Singles: Nahuhulog na ang loob mo sa kanya, kaya naman gawin mo ang lahat para mahulog ang loob niya sa iyo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa travel ang trabaho.
Lucky color: Silver
Lucky number: 24