Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung meron kang personal issue na hinaharap sa ngayon, maaaring makasira ito sa iyong productivity kung hindi mo pa ito maayos.
Love:
Singles: May tao kang nagugustuhan, pero hindi mo pa rin magawang aminin ito sa kanya. Huwag kang mabahala dahil darating din ang araw na makakaya mong sabihin ito sa kanya.
Money/Career:
Maraming bagay ang iuutos sa iyo ngayong araw, kaya naman kailangan mong kumilos nang mabilis.
Lucky color: Violet
Lucky number: 26
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mag-ingat ka sa mga pwede mong masabi ngayong araw, dahil may malaking chance na meron kang mainsulto na tao.
Love:
Couples: Kung hindi ninyo pag-uusapan ang mga problema sa inyong relasyon, may malaking chance na hindi kayo magtagal.
Money/Career:
Kung magiging consistent ka lamang sa iyong trabaho, hindi malayong mapansin ka ng iyong mga boss.
Lucky color: Cream
Lucky number: 24
Gemini (May 21 – Jun 20)
Hindi ito ang tamang araw para maging tamad ka. Marami ka pang dapat gawin kaya naman kumilos-kilos ka.
Love:
Couples: Magiging emosyonal ka ngayong araw, kaya naman hindi ito ang tamang panahon para ikaw ay gumawa ng desisyon.
Money/Career:
Tandaan mo na kung magsisikap ka ngayon, mas maaga kang magiging successful sa buhay.
Lucky color: Red
Lucky number: 24
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag ka muna mag-experiment ngayong araw. Sundin mo na lang ang mga inuutos sa iyo sa paraang pamilyar ka.
Love:
Couples: Hindi mo kailangang madaliin ang mga bagay-bagay sa inyong relasyon. Mas mabuti kung magdadahan-dahan kayo para sigurado.
Money/Career:
Mag-ingat ka sa isa mong kasama sa trabaho dahil may balak siyang isumbong ka sa iyong boss.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 16
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Dapat ay nakafocus ka sa iyong mga gawain. Huwag mong bigyan ng pansin ang mga nangyayari sa iyong paligid.
Love:
Couples: Kailangan mo na gumawa ng desisyon. Kahit na mabigat ito sa loob mo, dapat mo pa rin itong gawin.
Money/Career:
Kung gusto mong maging successful agad sa iyong trabaho, dapat paramihin mo ang iyong mga koneksyon.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 25
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
May malaking chance na maging emosyonal ka ngayong araw. Kaya naman mas mabuting lumayo ka muna sa ibang tao para hindi sila madamay sa mood swings mo.
Love:
Singles: Huwag kang mag-alala dahil makikita mo rin ang taong nakalaan para sa iyo. Huwag ka lang masyadong choosy.
Money/Career:
Kung naiisip mong bumili ng bahay o ng sasakyan, mas mabuting mag-apply ka na para sa isang loan.
Lucky color: Orange
Lucky number: 16
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Masayahin kang tao kaya naman masarap kang kasama lalo na kung kumpleto ang barkada. Mag-ingat ka lamang ngayong araw sa pagkain ng isda.
Love:
Couples: Hindi mo kailangang gumastos nang malaki para maging romantic sa iyong partner. Basta iparamdam mo lang kung gaano siya kaimportante sa iyong buhay.
Money/Career:
Kung nagpautang ka dati sa isang tao, may malaking chance na bayaran na niya ito sa iyo ngayong araw.
Lucky color: Black
Lucky number: 3
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Maging dedicated ka lang sa iyong mga gawain at hindi malayong maging successful ka kaagad sa buhay.
Love:
Couples: Kung hindi mo talaga gusto ang gagawin ng iyong partner, sabihin mo sa kanya nang maayos ang iyong dahilan kung bakit ka tumututol.
Money/Career:
Huwag kang mangutang sa ibang tao lalo na kung gusto mo lang mabili ang isang bagay na hindi naman gaano kaimportante.
Lucky color: Lilac
Lucky number: 4
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Maaaring malito ka sa kung ano ang dapat mong gawin, kaya mas mabuti kung susundin mo kung ano ang feeling mo na tama.
Love:
Singles: Kung malungkot ka, subukan mong yayain ang iyong mga kaibigan para naman mawala kahit sandali ang iyong kalungkutan.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtravel ang trabaho.
Lucky color: White
Lucky number: 23
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung masama ang iyong pakiramdam, mas mabuting magpahinga ka muna. Hayaan mo munang tulungan ka ng ibang tao sa iyong mga gawain.
Love:
Couples: Magiging aggressive ka ngayong araw kaya naman may malaking chance na malito sa iyo ang iyong partner.
Money/Career:
Dapat ay lagi kang honest sa iyong trabaho. Huwag kang gumawa ng mga bagay na ikakapahamak mo.
Lucky color: Silver
Lucky number: 30
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Magagawa mong gawin ang lahat ng mga bagay na iuutos sa iyo ngayong araw. Kaya naman kabibiliban ka ng nakararami.
Love:
Singles: Mukhang may mamimeet kang tao ngayong araw at may malaking chance na magustuhan ninyo ang isa’t-isa.
Money/Career:
Kung gusto mo na magresign sa iyong trabaho, marahil panahon na para gawin mo ito.
Lucky color: Grey
Lucky number: 22
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung meron kang pinoproblema, mas mabuti kung ise-share mo ito sa iyong mga kaibigan para naman mapayuhan ka nila.
Love:
Couples: Kung bored ka na sa inyong relasyon, marahil ay panahon na para ikaw ay gumawa ng aksyon ukol dito.
Money/Career:
Magfocus ka lang sa iyong trabaho at siguradong matatapos mo ang lahat ng iyong mga gawain.
Lucky color: Blue
Lucky number: 3