Aries (Mar 21 – Apr 19)
Makinig ka muna sa iyong hinala at kutob ngayong araw dahil may malaking chance na magkatotoo ang mga ito.
Love:
Couples: Huwag mo masyadong pahirapan ang partner mo. Hindi naman maiiwasan na magkamali ang isang tao, kaya patawarin mo na siya.
Money/Career:
Kung nasa trabaho ka ngayon, ang isip mo ay wala rito at mas gusto mong sa bahay ka na lang.
Lucky color: Pink
Lucky number: 15
Taurus (Apr 20 – May 20)
May malaking chance na maging emosyonal ka ngayong araw. Meron kang haharaping issue sa iyong buhay at kailangan mo itong aksyunan agad para hindi ka na mahirapan.
Love:
Singles: Mukhang ito na ang tamang panahon para magkaroon ka ng love life. Kaya naman talasan mo ang iyong pakiramdam.
Money/Career:
Maaaring may matanggap kang importanteng message ngayong araw, kaya naman huwag mong kalimutang i-check ang inbox mo.
Lucky color: Violet
Lucky number: 8
Gemini (May 21 – Jun 20)
Maaaring maguluhan ka ngayong araw, pero huwag kang masyadong mag-alala dahil panandalian lamang ito.
Love:
Couples: Mukhang may chance na magparamdam sa iyo ang iyong ex at maaaring manganib ang iyong kasalukuyang relasyon.
Money/Career:
Magkakaroon ka ng maraming opportunities sa buhay, kailangan mo lang maging masipag para magawa ang mga ito.
Lucky color: Orange
Lucky number: 30
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung meron kang balak simulan ngayong araw, gawin mo na ito kaagad. Subukan mong huwag tamarin para matapos mo rin ito kaagad.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para ipakita mo sa iyong partner kung gaano siya kahalaga para sa iyo. Gumawa ka ng something na romantic para sa kanya.
Money/Career:
Iwasan mong maging mapanghusga sa iyong mga katrabaho. Hindi mo alam ang tunay na istorya nila.
Lucky color: Orange
Lucky number: 9
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Gamitin mo ang araw na ito para linisin o ayusin ang iyong kwarto. Gawin mo ito para lalong gumanda ang iyong mood.
Love:
Singles: Ingatan mo ang iyong mga sasabihin ngayong araw dahil may chance na merong maoffend sa iyong mga salita.
Money/Career:
Kung meron kang gustong makuha, subukan mong sabihin ito para naman may idea ang tao kung ano talaga ang gusto mo.
Lucky color: Pink
Lucky number: 4
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Magiging maayos naman ang takbo ng iyong araw sa umpisa, pero magiging hectic ito pagsapit ng hapon.
Love:
Couples: Hindi porke mahal ninyo ang isa’t-isa ay magtatagal na kayo sa inyong relasyon. Tandaan na dapat ay nag-eexert pa rin kayo ng effort dito.
Money/Career:
Kung kailangan mong magpahinga, gawin mo ito. Huwag mo hayaang mastress ka ngayong araw.
Lucky color: Grey
Lucky number: 16
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Malaki ang chance na maging productive ka ngayong araw. Pero masisira ito kung pababayaan mo ang iyong kalusugan.
Love:
Couples: Importante na hindi mo minamadali ang mga bagay-bagay. Pag-isipan mo muna itong mabuti bago ka umaksyon.
Money/Career:
Huwag mo na kulitin ang isang tao kung ayaw ka niya talagang tulungan.
Lucky color: Red
Lucky number: 20
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Importante sa iyo ang iyong pamilya, kaya naman ilaan mo ang araw na ito para sa kanila. Gumawa kayo ng activities kung saan makakapagbonding kayong lalo.
Love:
Singles: Mukhang may malaking chance na makita mo na ang taong nakatadhana sa iyo. Pero huwag ka masyadong mabigla kung nalaman mong taken na siya. Abang-abang ka lang. Maghihiwalay din un.
Money/Career:
Maaaring maging hectic ang araw na ito para sa iyo, kaya naman kailangan mo ng lakas para matapos ang iyong mga gawain.
Lucky color: Red
Lucky number: 15
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
May chance na makatanggap ka ng good news ngayong araw. Kaya naman kung gusto mong magcelebrate dahil dito, gawin mo ito.
Love:
Couples: May mga ginagawa ang iyong partner na nakakairita para sa iyo. Kaya naman may posibilidad na topakin ka dahil sa mga ito.
Money/Career:
Kung nalilito ka sa dapat mong gawin, piliin mo kung saan mas mapapanatag ang iyong kalooban.
Lucky color: Grey
Lucky number: 3
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Ingatan mo ang iyong kalusugan ngayong araw, dahil may malaking chance na magkaroon ka ng ubo’t sipon.
Love:
Couples: Huwag mong husgahan ang iyong partner sa kanyang nagawa. Marahil ay nangyari ito nang hindi niya sinasadya.
Money/Career:
Kung magulo ngayon ang takbo ng iyong career, mas mabuting magsimula ka na lang ulit sa umpisa.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 15
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag mo masyadong isipin ang iyong mga problema sa ngayon. Mas makakabuti sa iyo kung magiging masaya ka muna kahit papaano.
Love:
Couples: Kung meron stable naman ang inyong relasyon at maganda ang takbo nito, marahil ay panahon na para kayo ay maging isang pamilya.
Money/Career:
Kung hindi sapat ang ibinibigay ng iyong company sa effort na ginagawa mo, marahil ay panahon na para lumipat ka.
Lucky color: Orange
Lucky number: 9
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Magiging madaldal ka ngayong araw. Kaya naman may malaking chance na may masabi kang sikreto at magalit sa iyo ang taong may kinalaman dito.
Love:
Couples: Kung hindi ninyo pinag-uusapan ang inyong mga problema, huwag na kayo magtaka kung complicated ang status ng inyong relasyon.
Money/Career:
Kung nag-apply ka kamakailan sa isang trabaho, may malaking chance na may good news kang matanggap mula rito.
Lucky color: Purple
Lucky number: 12