Aries (Mar 21 – Apr 19)
Handa kang akuin ang kasalanan ng ibang tao. Pero mag-ingat ka lang dahil baka mas grabe pa ito kaysa sa akala mo.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. Kaya naman magplano ka ng something special para sa kanya.
Money/Career:
Kung meron kang kakilala na nagtatrabaho abroad, maaaring matulungan ka niya para makaalis ng bansa.
Lucky color: Gold
Lucky number: 15
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung may sinasabing negative sa iyo ang ibang tao, marahil ay panahon na para baguhin mo ang iyong ugali.
Love:
Couples: Huwag kang susuko. Magulo man sa ngayon ang inyong relasyon, magiging maayos din ang lahat sa huli.
Money/Career:
Marami ka namang naitabing pera, pero mabilis lang ito mawawala kung hindi ka marunong magbudget.
Lucky color: Red
Lucky number: 16
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag ka masyadong mainip. Habaan mo ang iyong pasensya dahil wala kang magagawa kung talagang matagal dumating ang iyong inaasam.
Love:
Singles: Hindi porke may taong mahilig tumulong sa iyo ay may pagtining na siya sa iyo. Huwag masyadong assuming.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa public sector ang trabaho.
Lucky color: Cream
Lucky number: 15
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mag-ingat ka sa mga taong tinutulungan mo, dahil may ilan sa kanila na ginagamit ka lang para sa kanilang kapakanan.
Love:
Singles: Bago ka pumasok sa isang relasyon, dapat ay confident ka muna sa iyong sarili. Tandaan mo na dapat hindi ka lang palagi aasa sa iyong magiging partner.
Money/Career:
Kung nag-apply ka kamakailan para sa isang trabaho, may malaking chance na makatanggap ka ng balita tungkol dito ngayong araw.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 23
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Magiging emosyonal ka ngayong araw. Kaya naman kung gusto mo ng kausap, marami ka namang kaibigan para iyong lapitan.
Love:
Couples: Mag-ingat ka ngayong araw dahil malaki ang posibilidad na matukso ka sa iba. Kaya naman matutong umiwas kung sakaling mangyari ito.
Money/Career:
Maaaring makatanggap ka ng isang magandang balita tungkol sa iyong trabaho ngayong araw.
Lucky color: White
Lucky number: 9
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Subukan mong gumawa ng something na bago ngayong araw. Marahil ay bagay sa iyo na matutong tumugtog ng gitara.
Love:
Couples: Maging open ka sa iyong partner. Makakatulong ito para lalo ka pa niyang maintindihan.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa photography ang trabaho.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 14
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Okay lang naman na magsaya ka. Pero kailangan mong bantayan ang iyong budget at baka sa huli ay magsisi ka lang.
Love:
Couples: Maaaring may magbago sa inyong relasyon. Pero huwag kayong mag-alala dahil magandang pagbabago naman ito.
Money/Career:
Okay lang na sumunod sa sinasabi ng ibang tao, pero dapat ay alam mo pa rin kung inuuto ka lang nila.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 10
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Maaaring may kaibigan ka na magseshare ng isang sikreto sa iyo. Kaya naman gawin mo ang lahat para hindi ito ipagkalat sa iba.
Love:
Singles and Couples: Maganda ang araw na ito para ilaan muna sa inyong pamilya. Mag-isip ka ng activities para makapagbonding kayo.
Money/Career:
Kung laging mainitin ang iyong ulo sa trabaho, marami kang hindi matatapos dahil mawawala ka sa focus.
Lucky color: Orange
Lucky number: 22
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kailangan ay matino muna ang iyong isip bago ka gumawa ng isang desisyon. Ikaw lang ang mapapahamak kung padalos-dalos ka.
Love:
Singles: Kung hindi ka talaga gusto ng taong natitipuhan mo, marahil ay talagang nakatadhana kayo para maging magkaibigan lang.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtravel ang trabaho.
Lucky color: Purple
Lucky number: 28
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mas makakabuti sa iyo kung makikinig ka muna sa iyong mga kutob at hinala dahil may malaking chance na magkatotoo ang mga ito ngayong araw.
Love:
Married Couples: Kung going steady pa rin ang inyong relasyon, marahil ay panahon na para dagdagan ninyo ang inyong pamilya.
Money/Career:
Kung meron kang shift ngayong araw, habaan mo lang ang iyong pasensiya at makakaraos ka rin.
Lucky color: Blue
Lucky number: 13
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Marami kang maiisip na ideya ngayong araw, pero huwag mo muna itong sabihin sa iba dahil baka unahan ka nila.
Love:
Couples: Huwag ka muna makipagtalo sa iyong partner ngayong araw kung ayaw mong magtampo ulit siya sa iyo.
Money/Career:
Kung gusto mo na maghanap ng bagong trabaho, ito na ang panahon para gawin mo ito.
Lucky color: Green
Lucky number: 6
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Magagawa mong pagkakitaan ang isang bagay na tinuturing mo lang na sa isang hobby. Pagkakataon mo na para gawin mo itong business.
Love:
Couples: Kung hindi talaga maiwasan na magtalo kayo ng iyong partner, mas mabuti pang huwag ka na makipagsagutan sa kanya para matapos na lang.
Money/Career:
Huwag mong maliit ang iyong sariling kakayahan at huwag kang magpapaapekto sa sinasabi ng ibang tao.
Lucky color: Green
Lucky number: 1