in ,

Daily Horoscope: January 11, 2018 – Thursday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang marami kang mapapaligaya ngayong araw, kaya naman magiging masaya rin ang iyong pakiramdam.
Love:
Couples: Huwag mo muna idamay ang iyong partner tungkol sa problema ninyo sa iyong pamilya. Hayaan mong kayo muna ang umayos nito.
Money/Career:
Kung masyadong malayo ang iyong pinapasukang trabaho, marahil ay panahon na para humanap ka ng malilipatan.
Lucky color: Cream
Lucky number: 16

Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang magiging okay naman ang takbo ng araw mo sa umaga, pero may chance na maging hectic ang iyong schedule pagsapit ng hapon.
Love:
Couples: Huwag mo subukan ang pasensiya ng iyong partner. Baka pagsisihan mo kapag na-beast mode siya.
Money/Career:
I-postpone mo muna ang iyong mga gala bukas. Meron kang mas kailangan pang gawin kaya ayun muna ang unahin mo.
Lucky color: Orange
Lucky number: 9

Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag mo na kulitin ang isang tao ngayong araw at baka ikaw lang masaktan niya sa huli. Sige, ikaw rin.
Love:
Singles: Kung may balak ka na pumasok na sa isang relasyon, huwag mong kalimutang sabihin ito sa iyong pamilya.
Money/Career:
Gawin mo lang ang iyong mga gawain at huwag kang magpapauto sa sasabihin ng iba.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 13

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang maraming pagbabago ang magaganap ngayong araw kaya may malaking chance na hindi masunod ang iyong schedule.
Love:
Couples: Mukhang may malalaman kang bago tungkol sa iyong partner. Pero huwag kang masyadong mag-alala dahil positive naman ito.
Money/Career:
Kung good mood ka sa iyong trabaho, marami kang matatapos at hindi ka rin maaapektuhan ng stress.
Lucky color: Black
Lucky number: 26

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung merong kang matatanggap na advice ngayong araw, sundin mo ito at magpasalamat ka sa taong nagbigay nito.
Love:
Couples: Kung handa ka nang i-level up ang inyong relasyon, ikaw dapat ang unang gumawa ng hakbang.
Money/Career:
May malaking chance na makapunta ka abroad dahil sa iyong trabaho.
Lucky color: Green
Lucky number: 22

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Dapat ay maging confident ka sa iyong sarili. Marami ka namang pwedeng gawin para makatulong ka sa iyong pamilya.
Love:
Couples: Yayain mo sa isang dinner ang iyong partner, lalo na kung palagi na lang siya ang nanlilibre sa iyo.
Money/Career:
Mag-ingat ka sa isa mong kasama sa trabaho dahil may chance na siraan ka niya sa iyong boss.
Lucky color: Red
Lucky number: 5

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang magiging in-demand ka ngayong araw. Maraming tao ang hihingi sa iyo ng tulong sa kanilang mga gawain.
Love:
Couples: Magrelax ka muna sa ngayon. Huwag mo muna isipin ang iyong mga problema para naman mabawasan naman ang wrinkles mo.
Money/Career:
Hindi maiiwasan na may aberyang mangyayari sa trabaho. Kaya naman dapat ay lagi kang handa sa mga ito.
Lucky color: Red
Lucky number: 27

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mas maganda siguro kung magtitiwala ka muna sa iyong mga kutob at hinala ngayong araw dahil may malaking chance na magkatotoo ang mga ito.
Love:
Couples: Maghinay-hinay ka lang. Wala namang rason para magmadali ka sa inyong relasyon. Take things slow.
Money/Career:
Kung palagi kang tinutulungan ng ibang tao, dapat ay matuto ka ring tumulong sa iba.
Lucky color: Cream
Lucky number: 20

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag mo muna pansinin ang mga tao sa iyong paligid. Magconcentrate ka muna sa iyong gawain para matapos ka kaagad.
Love:
Couples: Huwag mong gawing complicated ang mga bagay-bagay. Kung ipagpapatuloy mo ito, baka iwan ka ng iyong partner.
Money/Career:
Nasa tama kang direksyon. Ipagpatuloy mo lang ito at magiging successful ka rin pagdating ng tamang panahon.
Lucky color: Grey
Lucky number: 2

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
May malaking chance na magkaroon kayo ng gala ng iyong barkada. Siguraduhin ninyo lang na planado ito para matuloy.
Love:
Couples: Kung gusto mong maglevel-up ang inyong relasyon, dapat ay inaayos ninyo na ang inyong mga problema ngayon pa lang.
Money/Career:
Huwag kang magpabaya sa iyong mga gawain dahil ikaw lang ang malilintikan sa huli.
Lucky color: Violet
Lucky number: 19

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mag-isip ka muna bago ka pumayag sa offer sa iyo ng isang tao. Maaaring ginagamit ka lang niya para sa kanyang advantage.
Love:
Couples: Hayaan mo muna ang iyong partner na gawin kung ano ang gusto niya. Marerealize niya rin sa huli kung tama o mali ba ang kanyang gagawin.
Money/Career:
Mukhang magkakaroon ng problema sa iyong trabaho. Pero kung wala ka namang kinalaman dito, huwag ka na makisali pa.
Lucky color: Neon green
Lucky number: 28

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang mapapagastos ka ngayong araw. Pipilitin mong bilhin ang isang bagay na gusto mo kahit na hindi mo naman talaga ito kailangan.
Love:
Couples: Mukhang magiging stressed ang iyong partner ngayong araw, kaya naman huwag mo muna siyang kulitin at inisin.
Money/Career:
Magfocus kang mabuti sa iyong mga gawain, lalo na kung ayaw mong magkamali sa mga ito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 10

Comments

Julia Montes explains why Coco Martin would be a perfect boyfriend

BB Gandanghari shares her updated head-shots on Instagram